• March 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AGA at CHARLENE, nakararanas ngayon ng “empty nest syndrome” dahil sa pag-alis nina ANDRES at ATASHA

KINILIG ang maraming netizen sa paglabas ng behind-the-scenes photos nila Jennylyn Mercado at Xian Lim sa lock-in taping ng teelseryeng Love. Die. Repeat.

 

 

Bagay na bagay nga raw sina Jen at Xian na magtambal at kita mo na agad ang chemistry sa kanilang dalawa. Kunsabagay, si Jennylyn naman ay bumabagay sa lahat ng mga itambal sa kanya tulad nila Mark Herras, Dingdong Dantes, Gil Cuerva, Gabby Concepcion, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Derek Ramsay, Sam Milby, Paolo Contis at siyempre, kay Dennis Trillo.

 

 

Sa mga lumabas na photos ay magkayakap sina Jen at Xian. Ramdam mo na kampante na sila sa isa’t isa na kung tutuusin ay doon lang sila sa lock-in taping unang nagkita ng personal.

 

 

May isang photo naman na parang kinasal sila at kasama sa group shot sina Shyr Valdez, Myrtle Sarrosa, Valerie Concepcion at Victor Anastacio.

 

 

Ngayon pa lang ay hindi na makapaghintay ang mga fan nila Jen at Xian sa tambalan nila. Mukhang magiging top-rating teleserye ito dahil sa magandang tambalan ng dalawa.

 

 

Ano kaya masasabi nila Kim Chiu at Dennis Trillo sa collaboration na ito?

 

 

Aba, supportive naman sila sa tambalang Jen-Xian. Noong magtambal sina Kim at Dennis sa pelikulang One Great Love noong 2018, super-promote pa noon sina Jen at Xian sa social media ng movie nila kunsaan nanalo si Dennis ng ng best actor sa Metro Manila Film Festival at si Kim ay tinanghal na Film Actress of the year ng 50th Box-office Entertainment Awards.

 

 

***

 

 

NAKARARANAS ng “empty nest syndrome” ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez dahil sa pag-alis ng kanilang kambal na sina Andres at Atasha para mag-aral abroad.

 

 

Ayon sa Mayo Clinic website: “Empty nest syndrome is a phenomenon in which parents experience feelings of sadness and loss when the last child leaves home.”

 

 

Unang umalis si Andres para mag-aral ng college sa Spain at sumunod kelan lang si Atasha para mag-aral naman sa United Kingdom.

 

 

Via Instagram, nag-share si Aga ng surprise video ni Atasha sa kanila: “We come home from the airport. We enter our room and we see this. Ang sakit. Hay guys. Thanks Tash. I’ll miss you,” comment ni Aga sa video clip.

 

 

Dagdag pa na message ni Aga kay Atasha: “As much as it breaks my heart and your mom’s that both you and Andres will be away for a long time, please know in your hearts that we are the happiest for you both. Cheers to college life.”

 

 

Mixed emotions si Charlene sa pag-alis ni Atasha: “As a mom, I’m happy and sad. Happy for the memories you will be making in your college life as you continue to fly & spread your wings but sad because we will be tremendously missing you so much. Thank you for being the best daughter to your dad & I. Thank you for your sweet gift for your dad & I when we got home… you always surprise us with sweet gifts, letters or art. I will miss our girls bonding sessions. Continue to be kind, God fearing & glorify God in everything you do.”

 

 

***

 

 

HUMANDA na sa good vibes na hatid nina Boobay at Tekla dahil makakasama nila ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo sa unang pagkakataon sa The Booby and Tekla Show ngayong Linggo, September 12 pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho. 

 

 

Sasalang si Bea sa isang no holds barred interview sa “May Pa-Presscon” kung saan sasagutin niya ang ilan sa pinakamahihirap na katungan mula sa kanyang heartbreak, relationship status, at career plans sa Kapuso Network.

 

 

Game rin na ipapamalas ni Bea ang kanyang husay sa pagkanta sa “Birit Showdown” kung saan aawit siya ng sikat na kanta ni Adele.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Walang Gutom Kitchen, naghahanap ng volunteers at donasyon – DSWD

    NAGHAHANAP ang newly-opened Walang Gutom Kitchen food bank ng food donations mula sa restaurants at fast food chains at maging ng mga volunteers.     Sa katunayan, sa video message na naka-post sa kanilang social media pages, nananawagan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga interesadong donors at volunteers […]

  • Grupo ng guro, hinimok ang DepEd na mag-hire ng 30,000 na mga bagong guro

    HINIMOK ng isang grupo ng mga guro ang DepEd na mag-hire ng 30,000 na mga bagong guro taun-taon sa susunod na limang taon.     Ito’y upang matugunan daw ang kakulangan ng mga pampublikong at pang-pribadong guro sa ating bansa.     Kung matatandaan, inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na plano […]

  • Mahigit 3.7M ang nasayang na vaccine doses ang naiulat- Malakanyang

    MAY KABUUANG 3,760,983 doses ang naitalang Covid-19 vaccine wastage o nasayang na bakuna sa bansa.     Ipinresenta ni acting presidential spokesperson Martin Andanar ang data na nagmula sa Department of Health sa isinagawa nitong public briefing, araw ng Miyerkules.       Sinasabing 1.54% lamang ito sa kabuuang COVID-19 vaccine doses sa bansa.   […]