• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AGA at NADINE, muling masusubukan ang lakas sa takilya

SI Nadine Lustre ang naging bida sa ‘Deleter’, na naging topgrosser ng MMFF 2022.

 

Ang nasabing pelikula pa rin ang humakot ng awards kasama na ang Best Actress award ni Nadine.

 

Matatandaang si Aga Muhlach naman ang bida sa ‘Miracle in Cell No. 7’, na naging topgrosser ng MMFF 2019.

 

Ngayong paparating na MMFF ay pinagsama sina Ate Vi, Nadine at Aga sa pelikulang ‘Uninvited’.

 

Samantala, ang isa pang pinalad sa sa 50th MMFF ay ang ‘Topakk’ na bida si Arjo Atayde, sa direksyon ni Richard Somes.

 

Sa 39 scripts na ni-review ay ang limang pinili ng screening committee ay ‘And The Breadwinner Is…’ ni Vice Ganda, ‘Green Bones’ nina Dennis Trillo at Ruru Madrid, ‘Isang Himala’ ni Aicelle Santos, ‘The Kingdom’ nina Vic Sotto at Piolo Pascual, at ‘Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ‘nina Jane de Leon, Enrique Gil, Alexa Miro, at Rob Gomez.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Banggaan nina Beauty at Max, tiyak na tututukan: Sen. BONG, muling bubuhayin ang iconic role niya na ‘Tolome’

    ANG hit and classic film na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay nakakakuha na ng spinoff sa small screen sa pamamagitan ng GMA Network. Mula sa pagiging isang iconic film hanggang sa isang action-comedy series, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay pagbibidahan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., […]

  • Jaja Santiago kailangan ng Pilipinas — PNVF

    Kailangan ng Pilipinas si Jaja Santiago.     Ito ang inihayag ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa usap-usapang inimbitahan si Santiago na maging local player sa Japan.     Mismong si Santiago ang nagsiwalat na interesado ang Japan dahil sa magandang inilalaro nito sa Japan V.League kasama ang Ageo Medics.     Subalit nilinaw […]

  • Riot ng mga kabataan napigilan sa Malabon, 2 timbog sa Molotov bomb

    NAPIGILAN ng pulisya ang napipintong riot ng mga kabataang lalaki makaraang madakip ang dalawang hinihinalang miyembro ng isang gang, kabilang ang isang menor-de-edad habang bitbit ang dalawang molotov bomb sa Malabon city.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang isa sa naaresto na si Jimmy Boy Villena, 20 habang hindi naman […]