• May 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Agent nagwala, arestado

SA kulungan ang bagsak ng isang insurance agent matapos insultuhin at pagsabihan ng hindi magandang salita ang isang massage therapist na tumanggi sa pera na kanyang inaalok kapalit ng extra service sa loob ng isang massage clinic sa Valenzuela city.

 

Sa ulat, alas-12 ng hating gabi, nagtungo si Joshua Pangilinan, 21 ng Block 33 Sampaloc St. Brgy BF Homes, Paranaque city sa Health Spa sa 1764 Nicaragua St. Brgy. Valenzuela city at kinuha ang serbisyo ni Kristine Pardo, 22, para magpa-massage.

 

Habang nasa loob ng massage room, inalok ng lasing umanong suspek si Prado ng hindi mabatid na halaga ng pera kapalit ng extra service subalit, tumanggi ang bebot.

 

Nagalit umano ang suspek at nagsimulang magwala habang pinagsasalitaan ng hindi magandang salita ang biktima.
Hindi pa nakuntento, kinunan pa ng suspek ng video ang biktima gamit ang kanyang cellphone na naging dahilan upang humingi ng tulong ang management sa mga barangay opisyal na nagresulta sa pagkakaaresto kay Pangilinan.
Kasong alarm and scandal at unjust vexation ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Yayariin ko kayo! – Duterte

    Nagbanta na si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na “yayariin” niya ang mga korap sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).   Nagbanta na si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na “yayariin” niya ang mga korap sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).   “Huwag kayong magkakamali. Itong PhilHealth, sabi ko: Yayariin ko kayo. Maniwala kayo,” pahayag ni Duterte sa isang […]

  • Ateneo inungusan UP bilang no. 1 pamantasan sa Pilipinas sa world rankings

    NAUNAHAN na ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) bilang “pinakamahusay” na pamantasan sa bansa kung pagbabatayan ang bagong labas na Times Higher Education World University Rankings 2023.     Lumapag sa 351-400 na pwesto ang Ateneo sa naturang world university rankings, dahilan para makuha ang top spot sa lahat ng […]

  • Gulo sa Kongreso, maglalatay sa administrasyon at hindi sa mga indibidwal na nagbabangayan para sa kapangyarihan – PDu30

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sa administrasyon babagsak ang nangyayaring gulo sa kasalukuyan ng mga kongresista na patuloy na nagbabayangan bunsod ng usapin tungkol sa kapangyarihan.   Ani Pangulong Duterte, hindi naman mga pangalang “ Alan o Lord” ang babanggitin ng mga tao kapag napag- usapan ang away sa Kongreso.   Ang maaalala […]