Aguilar 50-50 vs NLEX
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
NAHULI rin pag-entra sa Clark Freeport and Special Economic Zone bubble si Philippine Basketball Association o PBA star Japeth Paul Aguilar ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings.
Kahapon ang inaasahang dating ng big man sa Angeles City, Pampanga na playing venue ng 45 th PBA Philippione Cup 2020 eliminations na mag-oopen na bukas (Linggo) tapos matengga noong Marso dahil sa Covid-19.
Kinumpleto muna niya ang rehabilitasyon buhat sa dating injury bago sinamahan ang teammates sa Quest Hotel para makumpleto na rin ang 15-man lineup ng Gin Kings sa all-Pinoy conference.
Pero mandatory na dumaan sa 48-hour isolation ang bawat papasok sa bubble, pagkatapos ma-swab ay doon muna sila sa kanilang kuwarto sa hotel.
Sa pagsiklab sa Oktubre 11 mapapasabak agad ang crowd favorite team laban sa North Luzon Expressway o NLEX Road Warriors sa main game ng double-header sa Angeles University Foundation gym sa alas- 6:45 nang gabi.
Pero lamang na sumaksi lang ang Ginebra forward sa game kaya sina regulars Raymond Aguilar, Prince Caperal at veteran Joe Devance muna ang poposte sa koponan.
Masusukat din ni coach Earl Timothy (Tim) Cone ang rookie forward at 10th pick noong Disyembre mula sa FEU Tamaraws na si Arvin Tolentino. (REC)
-
Jake Paul pinatumba si Woodley sa 6th round
Pinatumba ni YouTube star Jake Paul si dating UFC champion Tyron Woodley sa ikaanim na round ng kanilang boxing match na ginanap sa Amalie Arena sa Tampa, Florida. Sa unang limang round ay hindi gaanong naging mainit ang laban kaya nagalit ang mga fans. Pagpasok ng ikaanim na round ay doon […]
-
Hanga sa pagiging versatile actor… RHIAN, matagal na palang gustong makasama sa movie si PAOLO
ANG bagong Marikit Artist Management na ang nangangalaga sa showbiz career ng young actress na si Barbara Miguel. Pag-aari ni Joseph “Jojo” Aleta na dati ring may mataas na puwesto sa GMA bago nagdesisyong magtayo ng sarili niyang talent agency dahil wala na nga si Barbara sa GMA, paano kung may makukuha si Joseph na […]
-
3 KATAO HULI SA DROGA SA MAYNILA
SWAK sa kulungan ang tatlong indibidwal nang mahulihan ng marijuana at shabu sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 7 Biyernes ng madaling araw. Sa imbestigasyon ng pulisya, kinilala ang mga suspek na sina Rufino Casilit apyas Basi ,47; Loisa Casipit ,19, kapwa nakatira sa Prudencia St., […]