AHENSIYA NG BI, NAKAKOLEKTA NG P5.9 BILYON SA KABILA NG PANDEMYA
- Published on February 9, 2021
- by @peoplesbalita
SA kabila ng naranasang pandemya, ipinagmalaki ng Bureau of Immigration (BI) na nakakolekta pa rin ang ahensiya ng P5.9 bilyon noong 2020.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang kabuuang kinita nila noong nakaraang taon mula sa mga immigration fees at P5,88 bilyon , 36.1 % na mas mababa kumpara sa P9.3 bilyon noong taon 2019.
“We anticipated our revenues to decrease due to the pandemic,” said Morente. “With more foreign nationals going out of the country than going in, we were able to collect less revenue from visa applications,” ayon sa Commissioner.
Ipinaliwanag nga Bureau Chief na ang mga transaksiyon ay sinuspinde ng halos dalawang buwan dahil sa lockdown noong Marso ng nakaraang taon.
Pero inaasahan ni Morente na ang kanilang kolekasiyon ay makakabawi ngayon taon habang hinihinatay ang Covid-19 vaccine at kung tatangalin na ang travel restriction. (GENE ADSUARA)
-
Clearing operation sa Mabuhay lane patuloy na isasagawa ng MMDA
PATULOY ang ginagawang clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ang sinabi ni MMDA Special Operations Group Head Gabriel Go, sinabi nito na ang paggamit ng Mabuhay lane ay malaking pakinabang sa lahat ng motorista upang makaiwas sa bigat ng trapiko. Pinaliwanag pa nito ang responsibilidad ng kanilang ahensya ay […]
-
Claudine, balak kasuhan si Jodi sa pakikipag-relasyon kay Raymart
“THE height!” ‘Yun talaga ang naging reaksiyon/litanya namin nang malaman namin na posible raw kasuhan din ni Claudine Barretto si Jodi Sta. Maria dahil sa pakikipagrelasyon nito kay Raymart Santiago. As in the height! Parang ayaw na naming patulan at bigyan pa ng paliwanag bakit the height na gagawin pa yun ni Claudine. […]
-
Ads February 3, 2023