• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aiko, ‘back to work’ matapos ang COVID scare; Alden, mis na ang lola sa Laguna

Nakahinga na ng maluwag si Aiko Melendez kasunod ng saglit lamang ng isolation matapos magkaroon ng ilang sintomas ng Coronavirus Disease (COVID).

 

Negatibo kasi ang nakuha nitong resulta sa swab test kaya kaagad ding pinabalik sa trabaho.

 

Kuwento ng 44-year-old actress, ang pagkawala ng kanyang panlasa ay dahil pala sa tonsilitis o pamamaga ng kanyang lalamunan, maliban pa sa pagkakaroon niya ng karaniwang sipon at sobrang pagod, ayon sa kanyang doktor.

 

Ayon pa kay Aiko, nitong Biyernes nang magsimulang bumigat ang kanyang pakiramdam habang nasa taping, na nasundan ng pangangati ng lalamunan hanggang sa tuluyang nilagnat.

 

“So I was sent back to the hotel. I was isolated until I get my result. 45 minutess passed, I got my result, and it was negative and I have tonsillitis,” saad ni Melendez sa pep.

 

Nabatid na kabilang sa mga sintomas ng deadly coronavirus, ang pagkawala ng panlasa at pagkakaroon ng lagnat ng isang tao.

 

Si Aiko ay ex-wife ni Jomari Yllana at ngayo’y bagong boyfriend si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.

 

Samantala, aminado si Alden Richards na namimis na nito ang kanyang lolo at lola na matagal na niyang hindi nakakasama sa bahay nito sa Laguna.

 

Ayon sa 28-year-old actor, pinipili niyang magtiis muna sa gitna ng coronavirus pandemic alang-alang sa kaligtasan lalo’t nasa 80s na ang edad ng kanyang mga lolo’t lola.

 

Nabatid na negatibo naman sa COVID test ang lola’s boy na si Alden, pero nangangamba na baka ang sapatos nito o ang suot na damit ang may dalang virus.

 

“And then pagdating ko doon, uwi ako agad. I don’t sleep there. Balik po ako agad dito sa Manila,” kuwento nito sa pep.

 

Una nang nag-false positive ang resulta ng longtime personal assistant ni Alden, bagay na nakakapagdulot pa rin aniya ng anxiety at panic attack.

Other News
  • ‘Cinema Rehiyon 2021’, Hold Free Masterclasses for Aspiring Filmmakers

    CINEMA Rehiyon 2021 offers four free masterclasses from the industry experts on screenplay for women and LGBTQIA+ on March 6, documentary filmmaking and experimental cinema on March 13 and 20, respectively.     Cinema Rehiyon 2021: Voices From The Margins Festival Director Tito Valiente underscores the importance of masterclasses that address the concerns and issues of […]

  • Gilas Pilipinas manonood ng laban ng India at New Zealand sa FIBA World Cup Asian

    MANONOOD na lamang muna ang Gilas Pilipinas sa laban ng India at New Zealand sa pagbubukas ngayong araw ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers Group A.     Ito ay matapos na umatras ang nakatakda sana nilang makakalaban na South Korea ng marami sa mga miyembro nila ang nagpositibo sa COVID-19.     Ang […]

  • “WHERE THE CRAWDADS SING” UNVEILS GRIPPING NEW TRAILER

    “WHERE THE CRAWDADS SING” UNVEILS GRIPPING NEW TRAILER      WHERE the mysteries lie. Where the secrets are buried. Where the crawdads sing.     Watch the new trailer of Columbia Pictures’ Where the Crawdads Sing, featuring the new original song by Taylor Swift. Uncover the mystery, exclusively in cinemas across the Philippines soon.       […]