AIR POLLUTION
- Published on February 17, 2020
- by @peoplesbalita
MISTULANG COVID-19 ang air pollution sa bansa sapagkat 27,000 katao ang pinapatay bawat taon, sa pag-aaral ng Greenpeace Southeast Asia at ng Center for Research on Energy and Clean Air, ang usok mula sa mga sasakyan gamit ang gasolina at krudo at maging ang mga sinusunog na coal ay nagiging sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino.
Ayon pa sa report, number 3 ang Pilipinas sa mga bansa sa Asia na marami ang namamatay sa air pollution kung saan Nangunguna ang China at ikalawa ang Mongolia.
Karaniwang pinagmumulan ng hangin na may lason ang ibinubugang usok ng mga sasakyan partikular na ang mga dyipni na karaniwang yumayaot sa mga kalsada. Tinatayang 80 porsiyento na pinanggagalingan ng air pollution ay mula sa mga hindi namimintinang sasakyan, pinakamalala ang air pollution sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang maruming hangin ay nagdudulot ng noncommunicable diseases (NCDs) kung saan kabilang sa mga sakit na nakukuha dahil sa pagkalanghap nang maruming hangin ay allergies, acute respiratory infections, chronic obs-tructive pulmonary diseases, cancer at cardiovascular diseases.
Unang tinatamaaan ng sakit ang mga pasahero at pedestrians dahil sila ang nakalantad sa maruming hangin, araw-araw nilang nalalanghap ang maruming hangin na dulot ng mga sasakyan.
Tungkulin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mapangalagaan at mapadalisay ang hangin. Sila ang nararapat magpatupad at gumawa ng hakbang para mapigilan ang mga nagpaparumi sa hangin sa Metro Manila.
-
Saso umangat sa ranking, Pagdanganan bumulusok
UMAKYAT ng limang baitang si Yuka Saso sa Rolex 15th World Women’s Professional Golf Rankings 2020 nang humanay sa pitong magkakabuol para seventh place finish sa wakas sa kapapalo na 75th US Women’s Open 2020 sa Houston, Texas. Sinakop ang ika-45 puwesto buhat 50th sa nagdaang linggo ng 19 na taong-gulang na Fil-Japanese rookie […]
-
Richard Bachmann inilatag na kanyang plano para sa PSC
Inilatag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann ang four-point plan para sa mga nakatutok na aksyon ng ahensya sa mga darating na buwan. “Nandito ako para pagsilbihan ang mga atleta at magsilbi sa sports, wala nang iba pa” giit ni Bachmann sa kanyang pambungad na mensahe. 4-POINT PLAN Ang kanyang […]
-
Nag-iyakan at niyakap sa muli nilang pagkikita: CITA, sinorpresa ang cast ng ‘Home Along Da Riles’ na nag-reunion
MULING nagkaroon ng reunion ang cast ng ‘90s sitcom na ‘Homes Along Da Riles.’ This time ay nasorpresa sila sa biglang pagdating ni Cita Astals. Nag-iyakan at niyakap si Cita nina Claudine Barretto, Nova Villa, Smokey Manaloto, Vandolph Quizon, Gio Alvarez, Boy 2 Quizon at Maybelyn dela Cruz. Makikita sa mukha ni Cita ang […]