Akala artista at type maging leading lady: RYAN, nag-sorry nang malamang kung sino si Atty. ANNETTE
- Published on October 2, 2023
- by @peoplesbalita
MULING pumirma ng isang exclusive contact si Kapuso First Lady of Primetime Sanya Lopez sa GMA Network last Friday, September 29, attended by the top GMA executives sa pangunguna ni GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon.
Naging emosyonal si Sanya nang magpasalamat siya sa lahat ng mga opportunities na ibinigay sa kanya ng network.
Wika ni Sanya, “Sobrang thank you po sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin. Sobrang proud po ako at overwhelmed with happiness. Maraming salamat kay Tatay, Kuya Germs, kasi siya po ‘yung naging daan para makilala ninyo ako.
“Nangangako akong lalo kong pagbubutihin ang mga coming projects ko. Hindi po ito basta kontata, reward po siya para sa akin. Gagawin ko po ang best ko at mananatili po akong Kapuso.”
Nagpasalamat din kay Sanya si Atty. Gozon dahil muli siyang pumirma ng isang exclusive contract, sign daw ito ng loyalty niya sa GMA at pinuri rin niya si Sanya na hindi raw nagbigay ng problema sa network, kaya naniniwala siyang malayo pa ang mararating nito sa industriya.
May inihahanda na ang GMA na bagong project ni Sanya, ang “Sang’gre” na sabi’y pagsasamahan muli ng mga nagsiganap na Sang’gre simula sa unang “Encantadia” series.
***
TULUY-TULOY na pala ang pagpu-promote nina Ruru Madrid and his new leading lady at balik-Kapuso actress na si Yassi Pressman.
Sina Ruru at Yassi rin ang bibida sa coming action drama series na “Black Rider” para sa GMA Network at malapit na rin itong ipalabas sa GMA Primetime block.
Sa isang interview kay Ruru, nabanggit niya na dati niyang crush si Yassi, noong bago pa lamang siya sa showbiz at contestant pa lamang siya sa talent search na “Protégé” ng GMA.
Noon daw kasi, lahat ng artistang babae ay crush niya, pero siyempre ngayon, nag-iisa na lamang sa puso niya ang girlfriend na si Kapuso actress Bianca Umali.
***
WALA pang announcement ang Movie and Television Review and Classfication Board (MTRCB) kung kailan magsisimula ang 12-day suspension ng noontime show na “It’s Showtime” dahil sa isang kasong kinasangkutan nila, na tiyak na iaapela pa ng ABS-CBN sa mga kinauukulan.
Todo-suporta naman ang GMA sa noontime show at nag-guest pa si Atty. Annette Gozon at ilan pang Kapuso executives sa show last Friday, September 29.
At doon humingi ng sorry ang Korean actor/host na si Ryan Bang, one of the hosts, kay Atty. Annette, kaugnay sa sinabi niyang gusto niyang maging leading lady sa mga Kapuso, nang mag-guest siya noon sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
“Mukha kasi siyang Korean,” sabi ni Ryan kay Boy. “Bagay kami.”
Pero natakot daw siya nang malaman niya kung sino si Atty. Annette, baka raw iyon na ang maging last day niya sa GMA.
“Nakita ko po kayo sa hallway, pasensiya na po kayo. Hindi ko po kasi akalain na kayo ang boss, akala ko po artista kayo. Hindi na po mauulit, pasensiya na po.”
Nag-post na rin si Ryan ng photo na kasama niya sina Atty. Annette at Sparkle GMA Artista Center Vice-President Joy Marcelo, kasama sina ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes na bumati sa Madlang Kapuso at Madlang Pipol.
(NORA V. CALDERON)
-
Kahit tapos na ang ‘Maria Clara At Ibarra’… Pagiging ‘Pambansang Ginoo’ ni DAVID, malaking impact at ‘di basta-basta mawawala
KAHIT tapos na ang ‘Maria Clara At Ibarra’ ay hindi basta-basta mawawala sa kamalayan ng publiko si David Licauco bilang Pambansang Ginoo. Aminado si David na malaking impact ito sa kanyang pagkatao. “Kung tinatanong niyo yung big change, yeah, it’s quite big and it’s overwhelming. “But at the same […]
-
Pacquiao nagbalik-tanaw sa 1988 Japanese license
SA pamamagitan ng isang throwback photo, ginunita ni eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel Pacquiao ang kanyang pro boxing license na inisyu taong 1998 pa ng Japan Boxing Commission (JBC). Ipinaskil nitong Miyerkoles ng 42-anyos,6-2 ang taas, tubong Kibawe, Bukidnon, kasalukuyan ding senador at huling umakyat ng ruwedang parisukat noong 2019 via […]
-
Tennis star Naomi Osaka, buntis
Inanunsiyo ni dating world number one tennis star Naomi Osaka na ito ay buntis kaya hindi na ito maglalaro sa Australian Open sa susunod na linggo. Sinabi nito na magbabalik lamang siya sa paglalaro kapag naisilang na niya ang anak. Huling naglaro ito ay sa Pan Pacific Open sa Tokyo noong Setyembre. […]