• April 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AKAP Mall Tour, namahagi ng P268 milyon sa 53K benepisyaryo

PORMAL na inilunsad ng House of Representatives, sa pamumuno ni Speaker Martin G. Romualdez, ang Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) mall tour kung saan umabot sa kabuuang P268.5 milyon ang naipamahaging ayuda sa 53,000 kwalipikadong empleyado ng mall at empleyado ng mga tenant sa apat na malalaking SM Supermalls sa Metro Manila na nakatanggap ng P5,000 bawat isa.

 

 

Ayon kay Speaker Romualdez, ang AKAP Mall Tour ay pagtugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos para sa isang sama-samang pagkilos ng pamahalaan upang harapin ang epekto ng inflation at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan, at upang matulungan ang mga minimum wage earners, low income worker, at mga higit na nangangailangan. Ayon kay Deputy Secretary General Sofonias Gabonada, ang aktibidad na ito ay hindi lamang nagkakaloob ng pinansyal na ginhawa sa mga benepisyaryo kundi tumutulong din sa pagpapasigla ng ekonomiya sa mga mall at lokal na negosyo, upang matiyak na ang tulong ay naipapaabot sa mga Pilipinong higit na nangangailangan.

 

 

Sinabi ni Gabonada na simple lamang ang proseso ng pagpaparehistro para sa mga benepisyaryo ng AKAP: ang mga kwalipikadong manggagawa ay kailangang magpare­histro online sa Bagong Pilipinas platform at ipakita ang kanilang Bagong Pilipinas ID.

 

Idinagdag niya na may mga scanner na nakalagay sa mga entrance ng mall para tiyakin ang pagiging kwalipikado ng mga empleyado. Pagkatapos ng validation, makakatanggap sila ng notification na magbibigay ng iskedyul ng kanilang payout at iba pang mga kinakailangang dokumento. (Vina de Guzman)

 

Other News
  • DBM AT COA PINALAWIG ANG KONTRATA NG JOB ORDERS AT CONTRACTUALS

    PINALAWIG pa ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA) hanggang 2022 ang pagkuha ng mga contractual at job orders na mga empleyado.   Sa Joint Circular No. 2, na dahil sa krisis dulot ng COVID-19 ay naapektuhan ang operasyon ng mga government agencies kaya mahalaga ang mga job orders at […]

  • Mambabatas pabor sa pagsasampa ng kasong death threats at inciting to sedition kay VP Sara

    “DAPAT naman talagang mapanagot si VP Sara sa ginawa niyang pagbabanta at sana ay hindi matulad sa parehong kaso na sinampa ko sa kanyang ama.”   Pahayag ito ni House Deputy Minority Leader France Castro kasunod sa naging rekomendasyon ng National Bureau of Investigation na maghain ng kaso laban kay VP Sara Duterte. Kabilang na dito ang […]

  • Ads March 16, 2024