Aktibidad sa buwan ng pag-iwas sa sunog, handa ang Bulacan PDRRMO
- Published on March 2, 2020
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Handa na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pag-obserba sa Buwan ng Pag-Iwas sa Sunog ngayong Marso na may temang “MATUTO KA! Sunog Iwasan Na!”.
Magsisimula ang nasabing kampanya kontra sunog sa pamamagitan ng sabayang motorcade sa tatlong siyudad at 21 bayan ng Bulacan sa Marso 1 na lalahukan ng Bureau of Fire Protection-Bulacan kasama ang kani-kanilang DRRMOs at rescue team ng mga lokal na pamahalaan.
Gayundin, magsasagawa sa buong lalawigan ng malawakang ‘information and education campaign’ at ‘fire safety inspection’ sa Marso 1-31 sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.
Sa Marso 2, pangungunahan ng PDRRMO ang paglulunsad ng Fire Prevention Month kaalinsabay ng Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito sa ganap na ika-8:00 ng umaga.
Kabilang sa iba pang nakalinyang gawain ang PGB Safety Marshalls Meeting sa Marso 4, ala-1:00 ng hapon; PPHO Staff Lactation Management & Gender and Development (GAD) DRR Orientation sa Marso 5 at 6, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon na parehong idaraos sa PDRRMO Training Room; TESDA Employees and Students’ Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Marso 12, alas-2:00 ng hapon sa TESDA Guiguinto; PGB’s Fire Orientation sa Marso 13 at 17 sa mga tanggapan at ospital ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan; pagsasagawa ng Earthquake and Fire Orientation sa Marso 14, alas-9:00 ng umaga para sa mga empleyado ng Redeemer’s Glory Christian Church at Child Development Center sa Brgy. San Isidro, Hagonoy; Basic Aquatic/Surface and Swift Water Search and Rescue Training sa Marso 19-22, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon para sa mga manggagawa sa barangay ng Pulilan; Operation Center Emergency Training/Drill sa Marso 26, alas-8:00 ng umaga para sa mga tauhan ng C4 (Communication, Control and Command Center) na gaganapin sa PDRRMO Operation Center; at Blood Donation sa Marso 31, alas-8:00 ng umaga sa PDRRMO Training Room para sa mga rumeresponde mula sa mga LGU at NGO.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring tumawag sa PDRRMO emergency hotline (044) 791 0566 o sa pamamagitan ng kanilang facebook account sa PDRRMC Bulacan Rescue at Twitter @PDRRMC Bulacan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Drug-free workplace isinusulong sa Navotas
KINAKAILANGAN ng sumailalim ng mga empleyado sa mga business establishment sa Navotas sa taunang drug test kasunod ng pagsasabatas ng lungsod ng isang drug-free workplace ordinance. Ipinasa ng Konseho ng Lungsod ng Navotas ang City Ordinance No. 2023-23 na nag-aatas sa mga piling negosyo sa Navotas na panatilihin ang isang ligtas at malusog […]
-
2.99 million Filipinos, nananatiling walang trabaho
KABUUANG 2.99 million mga Pinoy ang naitalang walang trabaho sa bansa ngayong patuloy na nananatili sa 6 percent ang unemployment sa buwan ng Hunyo kumpra noong Mayo. Ang nasabing bilang ay mas mababa na kumpara noong June 2021 kung saan nasa 7.7 percent o 3.77 million ang walang trabaho. Ang mga […]
-
Indonesia, pumayag na ilipat si Mary Jane Veloso sa Pinas-PBBM
PUMAYAG ang Indonesian government sa naging kahilingan ng Pilipinas na ilipat ang convicted overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso sa lokal na bilangguan. “Mary Jane Veloso is coming home,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang kalatas. Sinabi nito na ang pagbabalik ni Veloso sa bansa ay produkto […]