Akusasyon ni VP Robredo, pinalagan ng Malakanyang
- Published on August 29, 2020
- by @peoplesbalita
PINALAGAN ng Malakanyang ang akusasyon ni Vice President Leni Robredo na walang malinaw na direksyon ang administrasyon para tugunan ang COVID-19 crisis.
“I beg to disagree, seriously disagree with the Vice President,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Tila ipinamukha ng Malakanyang kay Robredo ang mga hakbang ng gobyerno na nagresulta ng mababang mortality rate para sa COVID-19 (1.55%) at napabuti ang kapasidad ng mga ospital para gamutin ang mga pasyente na may severe at critical cases.
“Hindi po totoo na hindi sapat ang ating response. Siguro madali pong magpula dahil hindi tayo ang nasa gitna ng pandemya at hindi tayo ang inaasahang gumalaw,” diing pahayag ni Sec. Roque.
Nauna rito, sa 20-minute speech ni Robredo, araw ng Lunes ay hayagang binatikos nito ang ginagawa ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19.
Kaagad namang binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panibagong pasaring ni Robredo sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.
Giit ng Pangulo sa kanyang public address, nagdaragdag lamang ng “fuel to the fire” si Robredo.
Binigyang diin ng Chief Executive na ang pagsira sa pamahalaan o maging ang kanyang kamatayan ay hindi aniya solusyon sa problema ng bansa.
“Ang pakiusap lang ni Presidente, magkaisa po sa panahon ng pandemya; isantabi muna ang pulitika. Matagal-tagal pa po iyan, marami pang mangyayari mula ngayon hanggang 2022 [elections]. Tulungan muna natin ang ating taumbayan,” ayon kay Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
M. Night Shyamalan Recounts The Hardship Of Filming ‘Old’ During Pandemic & Hurricane Season
Night Shyamalan recounts the hardship of filming Old in the midst of the pandemic and during hurricane season. According to screenrant.com, his upcoming thriller is about a group of people going on a holiday vacation. When they find a gorgeous secluded beach, they decide to spend the day there. They soon realize that something is causing […]
-
Spa sa Makati, P3K ang ‘sex fee’
NAHULI sa akto ang isang therapist na magsasagawa ng ‘sexual extra service’ habang nasagip ang 13 iba pa sa isinagawang operasyon ng mga pulis sa isang spa sa Brgy. Poblacion, Makati City, kamakalawa ng madaling araw. Maingat na isinagawa ng mga tauhan ng Makati SIDMS, sa pangunguna ni Police Major Gideon Ines Jr. at […]
-
Philhealth, ipagpapatuloy ang pagbabayad ng hospital claims
IPAGPAPATULOY na ng Philippine Health Insurance Corporation ang pagbabayad ng mga unpaid hospital claims. Ayon Philhealth Vice President for Corporate Affairs Dr. Shirley Domingo nakikipag-ugnayan na ang kanilang regional offices sa mga ospital para sa kanilang claim’s payment. Nagsasagawa din sila ng reconciliation meetings at sa katunayan, nagbayad aniya ang Philhealth […]