ALA Boxing Promotions, nagsara; mga boxer, napaiyak
- Published on August 17, 2020
- by @peoplesbalita
Matapos ang 35 taon na pagpo-produce ng sikat na Pinoy Pride boxing series, tuluyan nang ibinato ng ALA Boxing Promotions ang towel at nagsara dahil sa epekto ng coronavirus pandemic at pagkasara ng ABS-CBN.
Isinara ng ALA ang kanilang promotional outfit maging ang kanilang boxing gym, na lumikha ng sikat na boksingero ng bansa gaya nina Donnie Nietes, Albert Pagara, Z Gorres, Rey “Boom Boom” Bautista at Milan Melindo.
“ALA Boxing (ALA Promotions and ALA Gym) would like to say farewell and thank you to our supporters from all over the world,” wika nito sa inilabas na statement.
“The pandemic and the closure of our longtime broadcast network partner ABS-CBN, has affected the overall situation and future of the company.”
Itinayo ang ALA Boxing ni Cebu boxing patron Antonio L. Aldeguer noong 1985 at pinatakbo ng anak nitong si Michael noong 2006.
Itinatag din nito ang sikat na Pinoy Pride series at naging unang Asian promoter na nagsagawa ng events sa United States matapos ang matagumpay na promotions nito sa Middle East.
“Local boxing just took a direct hit on the chin. ALA was not just about boxing, it was about keeping kids off the streets and giving them a path, a goal in life,” ayon sa isang boxing analyst.
“Saving a prayer for the boxers, staff and everyone in ALA. I hope that this is just a knockdown and that they will be able to beat the count.”
Halos mapaiyak naman ang ilang boksingerong nagsasanay at hawak ng ALA Promotions dahil sa sinapit na kapalaran at pagsasara nito.
-
Kobe napiling cover ng NBA 2K21
Inilabas na ng NBA 2K21 ang kanilang ikatlong cover. Ito ay sa pamamagitan ng namayapang Los Angeles Lakers star Kobe Bryant. Ang “Mamba Forever” edition ng laro ay binubuo ng iba’t-ibang pirasong artwork ni Bryant. Isa aniya itong paraan sa pagkilala sa nasabing NBA player. Magugunitang noong Enero ng pumanaw ito […]
-
Mapanganib na init ibinabala ng PAGASA
MAY dalawang lugar din ang tatamaan ng hanggang 42°C heat index kabilang ang Pili sa Camarines Sur, at Zamboanga City. Dito naman sa Metro Manila, posibleng umabot din sa hanggang 40°C ang alinsangan na pasok na rin sa ‘extreme caution’. Ayon sa PAGASA, kapag umabot na sa ‘danger level’ ang heat […]
-
Lacuna nagpasalamat sa ayuda ni PBBM, DHSUD sa mga nasunugan
NAGPASALAMAT si Manila Mayor Honey Lacuna kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at department of human settlements and urban development (DHSUD) head, Secretary Jerry Acuzar, sa pagkakaloob ng kanyang kahilingan na matulungan ang libu-libong pamilyang nawalan ng tirahan sa sunog sa Tondo. Ani Lacuna sa mga pamilyang nasunugan, si Pang. Bongbong Marcos at Sec. […]