• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALAK, BAWAL MUNA SA PISTA NG ITIM NA NAZARENO

IPAGBABAWAL muna ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa Kapistahan ng Quiapo , ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso

 

 

Ito ay matapos lagdaan ng alkalde ang City Ordinance 5555 na nagbabawal sa pagbebenta ng alak sa panahon ng Kapistahan ng Itim na Nazareno o nasasakop ng Kapistahan.

 

 

Magsisimula ang liquor ban sa Enero 8 ng alas-sais ng umaga hanggang Enero 10 ng alas-sais din ng umaga.

 

 

Apela ng alkalde sa publiko sa nasabing Kapistahan na wala munang inuman hanggat maari at makiisa sa gobyerno  upang maiwasan ang  pagkalat ng COVID-19 lalo na ngayong tumataas ang mga kaso dahil sa Omicron variant.

 

 

Nanawagan din ang alkalde sa mga deboto na maaring sa bahay na lamang magdasal at huwag nang magtungo pa sa Simbahan dahil  aniya para rin  sa kanilang kapakanan at kalusugan.

 

 

Inaasahan aniyang dadagsa ang mga deboto kaya naman nakikiusap ito na makiisa ang bawat isa dahil  may mga itatalaga rin aniyang mga kapulisan sa paligid ng Quiapo upang magbantay at mapanatiling nasusunod ang health protocol .

 

 

Napagkasunduan na rin ng pamahalaang lungsod at pamunuan ng simbahan na walang physical mass ngunit mayroon namang online mass.

 

 

Sa pangalawang pagkakataon, suspendido pa rin ang Traslacion dahil pa rin sa banta ng COVID-19.  (GENE ADSURA)

Other News
  • YORME ISKO, PINANGUNAHAN ANG 120TH ANNIVERSARY NG MPD

    “Ang karanasan ko sa pakikisalamuha sa mga kriminal, nagagamit ko ngayon bilang isang Mayor”     Ito ang isa lamang sa mensahe ni Mani Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang pagdalo bilang pangunahing pandangal sa ika-120th founding anniversary ng Manila Police District (MPD) Miyerkoles,  sa MPD headquarters sa UN Ave., Manila.     Sa kanyang […]

  • Manila RTC Judge Jaime Santiago, bagong NBI director

    ITINALAGA  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired Judge Jaime Santiago bilang director ng National Bureau of Investigation (NBI).       Si Santiago ay nanumpa na sa kanyang puwesto kay Executive Secretary Lucas Bersamin kahapon ng umaga.       Nagsilbi si Santiago sa Western Police District (WPD) mula 1979 hanggang 2000. Nagtapos din […]

  • “Fast X” Will speed Its Way in Philippine Cinemas on May 17

    “Fast X”, the tenth film in the Fast & Furious Saga’s two-part conclusion, launches the final chapters of one of cinema’s most storied and popular global franchises, now in its third decade and still going strong with the same core cast and characters as when it began.     Over many missions and against impossible […]