Alam ng mga anak kung paano i-push ang button: YAYO, madaling maiyak ‘pag napag-uusapan ang pamilya
- Published on June 15, 2024
- by @peoplesbalita
SA ‘Padyak Princess’ ng TV5 ay isang single mother, si Selma, ang papel ng aktres na si Yayo Aguila.
Sa tunay na buhay, paano nakaka-relate si Yayo sa kanyang papel?
Lahad ni Yayo, “Ano, sa akin, madali lang, hindi ko kailangan humugot. Kasi parang sa akin normal na, iyon na yung naging norm ko for the past 15 years.
“I’m a single mom, 16 years? 16 years.
“So yung character ko dito bilang single mom at bilang si Selma na tatlo ang anak ko, parang normal lang? Ganun.
“Na yung, feeling ko kasi hindi ako umaarte, pag kasama ko yung tatlong anak ko dito, si Miles, silang tatlo, parang normal lang,” pahayag ni Yayo na nakausap namin sa grand mediacon ng ‘Padyak Princess’.
Gumaganap na mga anak ni Yayo sa serye sina Miles Ocampo, na bida sa serye, at sina David Remo at Miel Espinoza.
Pagpapatuloy pang kuwento ni Yayo…
“Kaya lang na-realize ko lang may kurot siya.
“Kasi naaalala ko kailan lang, yung recent taping ko, yung eksena namin sa, kasi may nangyari kay Selma dito, parang nagri-reading pa lang kami hanggang nag-take kami, tumutulo yung luha ko!
“Nagsalita si direk, sabi niyang ganun, ‘Hindi ko kailangang umiyak ka, dapat normal na saya.’
“Sabi ko, ‘Direk hindi ako… tumutulo lang ng kusa, hindi ko siya sinasadya, hindi ako umaarte.’
“Hindi ko siya mapigilan, tumutulo lang, hindi ko nga alam kung bakit, e. Pero okay naman, masaya naman ang buhay, di ba?
“Ganun e, kailangan lang talagang mag-move on at kailangan tuluy-tuloy lang.”
Kailan huling umiyak si Yayo?
“Tungkol saan?”
Sa pamilya.
Aniya, “Alam mo madalas akong umiyak kasi pag kasama ko yung mga bata, yung mga anak ko kasi e buskador, yung alam nila kung paano ma-press yung button ko.
“Basta pag pinag-uusapan yung kaming mag-iina, naiiyak ako, basta pamilya. Kahit na wala na kaming problema, as a whole kaming lima, apat kong anak at ako, naiiyak ako.
“Kasi para sa akin very ano, core ko kasi yung pamilya.”
At sa puntong ito, habang nagsasalita ay kusang tumulo ang luha mula sa mga mata ni Yayo.
“So’ pag napag-uusapan basta sila, napu-push yung button ko,” ang dagdag pang sinabi ni Yayo, sabay-sabi naming ngayon pala siya huling umiyak.
“Ngayon,” bulalas ni Yayo, “nakakainis kasi kayo!
“Buti na lang kaibigan ko kayo,” pakli pa ng aktres habang nagpapahid ng luha.
Ano ang aral na matutututunan ng mga manonood ng ‘Padyak Princess’ mula kay Selma?
“Sa akin yung kung paano mo ipaglalaban yung pamilya mo.
“Yung kung paano ka magiging matatag, kung kulang na kayo.
“Iyon kasi yung istorya ng pamilya Nieva, kaya si Princess [Miles] kaya naging Padyak Princess kasi kinailangan niyang tulungan ako, para itaguyod yung pamilya habang wala ako.
“Nawala ako so yung mga mga anak ko tumayo sa sarili nilang mga paa.
“Pero hindi naman doon nagtatapos kasi babalik rin naman ako sa kanila
“Doon ulit mag-uumpisa yung journey namin.”
Sa direksyon ni Easy Ferrer at napapanood tuwing 11:15 am bago ang ‘Eat Bulaga!’ sa TV5 (at sa BuKo channel 7:30 pm), nasa ‘Padyak Princess’ rin sina Ara Mina, Christian Vasquez at Cris Villanueva, at ang mga kabataang artista na sina Jameson Blake, Joao Constancia, Gillian Vicencio, Karissa Toliongco, Jem Manicad, at Kira Balinger.
Bilang aktres ay malaya si Yayo na magtrabaho kahit saang TV network.
“Alam mo iyon yung greatest blessing ko pagdating sa trabaho!
“Kasi kung family-wise sobrang blessed ako, ang lagi kong ipinagdarasal araw-araw, nagpapasalamat ako kasi magmula nung, hindi ko na matandaan, hanggang nag-COVID na, nagkaroon na ng ilang lockdown, never akong nawalan ng trabaho.
“Nagpapasalamat ako siyempre sa Viva [Artists Agency] kasi sila yung, Viva artist ako.
“Pero hindi lang iyon, nagpapasalamat din ako kasi marami akong kaibigan sa trabaho na feeling pinagkakatiwalaan nila ako.
“So iyon yung lagi kong ipinagpapasalamat.
“Na lagi akong may trabaho. Kasi hindi rin ako sanay na wala akong ginagawa. Ang inisip ko na lang bago ako matulog gabi-gabi, na yung sobrang blessed ako kasi marami naman puwedeng mabigyan ng ibang trabaho na mga nakukuha ko pero I always land a beautiful and a great job.
“So iyon pa lang sobrang blessed ko na,”ang nakangiting wika pa ni Yayo.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
DOTr, tataasan pa hanggang P260-K ang subsidiya para sa mga modern jeepney
INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na plano nitong taasan pa ang equity subsidy para sa tsuper ng mga public utility vehicles ng hanggang Php260,000. Ito ay upang mabigyan sila ng pondo at pagkakataon na makabili ng mga e-jeepney para sa ipapatupad na PUV modernization program ng pamahalaan. Paliwanag ni DOTr […]
-
OVERSTAYING NA CHINESE NATIONAL INARESTO SA PROSTITUTION
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying na Chinese national matapos na puwersahang pagtrabahuin ang isang babaeng Korean bilang isang prostitutes sa kanyang mga kababayan dito sa Pilipinas. Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni BI intelligence division chief Fortunato Manahan Jr. kinilala ang dayuhan na si Jin Mingchun, 35 […]
-
Meta, pinagpapaliwanag sa Senado sa isyu ng umano’y censorship
PINAGPAPALIWANAG ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang social media giant na Meta, ang mother company ng social networking platform na Facebook. Ayon kay Revilla na siyang chairman ng Senate committee on public information and mass media, nakakaalarma ang sunod-sunod na censorship ng social media firm. Matatandaang isa sa umalma sa […]