• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

[ALAM N’YO BA? NI REY ANG] MGA EXTRATERRESTRIAL BEINGS (ALIEN), NILALANG RIN NGA BA NG DIYOS?

TUNAY namang nakagigimbal sa lahat ng aspeto, lalo na sa mundo ng relihiyon, kung sakaling matuklasan (o aminin na ng gobyerno) na tunay ngang may mga nabubuhay na nilalang sa ibang planeta sa malayong kalawakan.

 

 

Isa sa labis na maaapektuhan ng nasabing pangyayari ay ang mga relihiyong  Kristiyanismo sapagkat ayon sa Christian belief system, walang ibang intelligent beings na nabubuhay sa labas ng planet Earth.

 

 

Isa sa pundamental na katanungan na kung ang creation ay sumasaklaw sa 125 billion galaxies na may hundreds of billions  na Stars (Araw), paano kung ang ilan sa mga planetang naroroon ay may advance civilization?

 

 

At kung tunay ngang umiral si Kristo sa daigdig bilang anak ng Diyos na nagkatawang-tao, bakit mas pinili ng Diyos Anak na bumaba sa planet Earth manaog bilang tao upang iligtas ang mga Earthlings? Paano naman ang kapakanan ng ibang alien race mula sa planet Andromeda, halimbawa lang?

 

 

Nagpanukala ang philosophy professor na si Christian Weidemann ng Ruhr-University Bochum sa Germany na maaaring ang mga extraterrestrial beings ay “hindi nagmana ng kasalanang original” tulad ng mga Earthlings, ng kainin ng mga unang nilikhang sina Eva at Adan ang “makasalanang prutas”. Samakatuwid, ang mga nilalang sa ibang planetary system ay hindi nangangailangan ng kaligtasan sapagkat higit na “mas mataas ang kanilang kamalayan at kaisipan”.

 

 

Gayunpaman, ang mungkahi ni Weidemann ay walang lohikal na basehan, lalo na at wala pa naman talagang natutuklasang extraterrestrial beings. Samakatuwid, wala sa atin ang paghatol kung sila ba ay makasalanan o hindi sapagkat ni wala nga tayong katiting na ideya sa paraan ng kanilang pamumuhay, uri ng kanilang emosyon at paraan ng pag-iisip.

 

 

Kung may extraterrestrial intelligent beings man, mas ligtas sabihin na maaaring sila ay makasalan o nakagagawa rin ng kasalanan tulad ng mga Earthlings.

 

 

Isa pa sa panukalang sinabi ni Weidemann ay ang posibilidad na si Kristo ay nabuhay o nag-incarnate na nang maraming ulit sa iba’t ibang planetary system sa yugto ng kanilang kasaysaysan kung saan ang nilalang na nananahan rito ay “nangangailangan ng kaligtasan”.

 

 

Ngunit, kung ibabase ito sa scientific guesses kung ilan nga ba ang sibilisasyon na maaaring umiiral sa buong kalawakan, at kung gaano katagal umiral ang mga sibilisasyong ito sa iba’t ibang planeta bago ang mga ito magunaw, si Kristo ay maaaring nabuhay sa iba’t ibang bersiyon sa 250 planeta, simultaneously, sa parehong timeline ng history. Ito ay lubhang imposible.

 

 

Sa kabilang banda, ayon sa theologist na si Michael Waltemathe mula rin sa Ruhr-University Bochum, ang pagkakatuklas ng extraterrestrial beings ay magiging problema lamang ng Christian world, at hindi ng ibang relihiyon.

 

 

Ibinigay na halimbawa ni Walthemathe ang Islam. Ayon sa kaniya, ang propetang si Muhammad ay hindi reincarnated version ng Diyos. Siya ay isang tao na naging mensahero lamang ng Diyos. Samakatuwid, kahit saang planeta pa sa kalawakan, ang Diyos ay maaaring magsugo ng isang propeta.

 

 

Tunay na sensitibo ang usapin pagdating sa relihiyon. Katunayan, halos lahat ng digmaan sa mundo ay nag-ugat sa relihiyon. Ang tanging magagawa na lamang natin sa ngayon ay hintayin nating may matuklasan talagang sibilisasyon sa ibang planeta. Saka na lamang pagtalunan kung sino ang kinikilala nilang Creator at Tagapagligtas kapag nakausap na natin sila.

Other News
  • 3 PVL venue pasado na

    NALALAPIT nang bumalik sa ere ang Premier Volleyball League (PVL) nang pumasa sa Games and Amusements Board (GAB) ang tatlong pasilidad na gagamitin ng bagong professional women’s indoor league para sa bubble training camp sa Abril.     Ayon kay PVL president Richard Palou, prub kay GAB chariman Abraham Kahlil Mitra ang Ronac Gym sa […]

  • Pinas, makakatanggap ng $250-M loan

    NAKATAKDANG tumanggap ang gobyerno ng Pilipinas ng $250 million na bagong loans o utang mula sa Asian Development Bank (ADB) para gamiting pambili ng COVID-19 vaccine.   Inanunsyo ng ADB, araw ng Lunes na inaprubahan nito ang loan agreement, pinapayagan ang Pilipinas na bumili ng 40 milyong karagdagang doses ng COVID-10 vaccines para sa mga […]

  • Hindi dapat maging bastos at walang galang dahil lamang sa usapin ng pinagtatalunang WPS

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi dapat maging bastos at walang galang ang mga Filipino dahil lamang sa ‘overlapping claims’ ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).   Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos magpalabas ng matatapang na salita ang kanyang mag alter ego na sina Foreign Affairs […]