Alas, Dagdag nagpakasal
- Published on September 16, 2020
- by @peoplesbalita
NAGPAKASAL na nitong Setyembre sa isang civil ceremony sina Philippine Basketball Association (PBA) star Kevin Louie Alas ng North Luzon Expressway Road Warriors at PBA courtside reporter Selina Dagdag.
Pinaskil sa Instagram ng bagong mag-asawa kinabukasan ang mga litrato sa kanilang pag-iisang dibdib.
“A church wedding is what we originally planned but we always remind each other that God is sovereign, and that He is in control of everything. What’s important is our love for each other. Praise God for the gift of love,” caption ng bagong talimpuso.
Hinirit pa ng 28-year-old, 6-footer guard, “Excited and looking forward to celebrate with all our family and friends during our church wedding and reception next year.” (REC)
-
HELPER PINAGSASAKSAK NG TAXI DRIVER
KRITIKAL ang isang 38-anyos na helper matapos pagsasaksin ng taxi driver marakaang maghinala ito na ka-relasyon ng kanyang ka-live-in ang biktima nang mahuli niya sa loob ng kanilang silid ang dalawa sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Randy […]
-
Magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey, maituturing na pinakamalakas sa kasaysayan nang bansa
MAITUTURING umano na pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng Turkey ang naitalang magnitude 7.8 na lindol sa nasabing bansa. Sa panayam kay Correspondent Lorie Ann Cabanilla Argallion, mula sa nabanggit na bansa, sinabi nito na una nang nakapagtala ng malakas na lindol noong 1990 na ikinamatay naman ng maraming tao. Dagdag […]
-
DICT nakatutok sa PhilHealth hackers na humihingi ng $300,000 ransom
KINUMPIRMA ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na may impormasyon na ito tungkol sa grupong nasa likod ng cyber attack sa PhilHealth nitong Biyernes. Binanggit ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy na kilala na ng ahensya ang nasa likod ng pag-hack ng impormasyon ng PhilHealth at ang nagdedemanda ng ransom kapalit nito. […]