• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HELPER PINAGSASAKSAK NG TAXI DRIVER

KRITIKAL ang isang 38-anyos na helper matapos pagsasaksin ng taxi driver marakaang maghinala ito na ka-relasyon ng kanyang ka-live-in ang biktima nang  mahuli niya sa loob ng kanilang silid ang dalawa sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Randy Dejac, ng No. 5 Goldendale St. Brgy. Tinajeros.

 

Naaresto naman ng mga nagrespondeng tauhan ng Northern Police District (NPD) Mobile Force Battalion ang suspek na si Hipolito Gelicame, 49 sa kanilang tirahan sa 143 Pangulo Road, Brgy. Panghulo at isinuko pa ang ginamit niyang patalim sa pananaksak sa biktima.

 

Sa report nina police investigators P/SSgt. Diego Ngippol at P/Cpl. Michael Oben kay Malabon police chief Col. Angela Rejano, pumapasada ang suspek ng minamanehong taksi nang maisipan nitong gumarahe muna dakong ala-1:35 ng madaling araw nang lingid sa kaalaman ng kanyang kinakasama.

 

Nakapasok sa loob ng kanilang bahay si Gelicame nang hindi namamalayan ng ka-live-in subalit nang pumasok siya sa kanilang silid, dito niya naabutan ang biktima at ang kinakasama.

 

Sa tindi ng galit at panibugho, kinuha ng suspek ang balisong na nakapatong sa kanilang refrigerator at sunod-sunod na inundayan ng saksak si Dejac habang nagtatakbo naman palabas ng bahay ang kanyang kinakasama upang humingi ng saklolo sa mga nagpa-patrulyang mga pulis.

 

I-prisinta ng mga pulis ang suspek sa piskalya ng lungsod ng Malabon para sa kakaharaping kasong frustrated homicide. (Richard Mesa)

Other News
  • Navotas LGU nagbigay ng mga lambat sa mangingisdang Navoteños

    IBA’T IBANG lambat ang ipinamigay ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga rehistradong may-ari ng bangkang pangisda sa pamamagitan ng Handog Lambat Program nito.     Umabot sa 649 na maliliit na mangingisdang Navoteño ang nakatanggap ng 200-meter mesh na lambat sa walong magkakaibang laki na maaari nilang gamitin sa paghuhuli ng iba’t ibang uri […]

  • ABS-CBN umamin na may pagkakamali

    Noong Huwebes, Pebrero 20 ay naglabas ng pahayag ang presidente at CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak.   Sa kanyang statement, nagpasalamat si Katigbak, na bilang isa sa 11,000 empleyado ng ABS-CBN, ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapaglingkod sa mga Pilipino.   Aniya, darating din daw ang araw na magkakaroon sila ng pagkakataon […]

  • Administrasyong Marcos, pinakikilos sa laganap na extra-judicial killings sa bansa

    PATULOY ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa paghahanap ng katarungan ng mga biktima ng karahasan at pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa.     Ito ang ibinahagi ni TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm, sa katatapos na pagsusuri ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa human rights record ng Pilipinas. […]