• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alas may alam din sa bantahan ng laro

ISANG bukas na aklat din para kay Francisco Luis (Louie) Alas ang bentahan ng laro o game fixing sa Philippine basketball.

 

Naging coach siya national men’s basketball team sa ilang international competition gaya ng Southeast Asian Games o SEA Games at South East Asian Basketball Association o SEABA Championship for Men, sa Philippine Basketball Association o PBA noong 2001-01 sa Mobiline/Talk ‘N Text Phone Pals at Phoenix Super LPG Fuel Masters noong 20017-2020;

 

National Collegiate Athletic Association o NCAA) champion tactician para sa Letran Knights at sa nabuwag nang Metrpolitan Basketball Association (MBA) para sa Manila Metrostars.

 

Inayunan ng magsi-57-anyos sa Oktubre 10 at tubong Quezon City ang naunang pahayag sa OD ni dating PBA player at naging bench tactician sa Maharlika Pilipinas Basketball o MPBL sa Valenzuela at NCAA sa Emilio Aguinaldo Generals na si Gerald ‘Gerry’ Esplana.

 

Ayon kay Alas, matagal na aniyang nauulinigan at nababalitaan niya ang iba’t-ibang klase ng bentahan ng mga laro, kasama ang point shaving noon pa mang nagsisimula pa lang siyang mag-coach hanggang sa kasalukuyan.

 

Ang problema nga langa aniya, wala lang napapatunayan, wala ring mga nahuhuli at mga napaparusahan.

 

“Actually marami na akong naririnig about it,” bulalas ni Alas kamakailan. “Very sad pero ‘di ba Sen. Manny (Emmanuel Pacquiao) sent the NBI (National Bureau of Investigation) to look for it, I guess mag-iingat na mga ‘yan and sana lahat ng team owners, coaches maging vigilant. Every may nakikita or naririnig na ganyan, I mean head on, address it right away.”

 

Hinirit niyang masusgpo ito ng mga awtoridad at ng mga koponan kung magtutulungan lang ang lahat.

 

Kinasuhan na noong Nobyembre ni MPBL founder at chairman Pacquiao ang 21 katao, kabilang ang 11 player ng SOCCKSARGEN team na pinatalo lahat ang mga laro sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20. (REC)

Other News
  • “DUNGEONS & DRAGONS” GETS 100% FRESH RATING, HOLDS SNEAK PREVIEWS MAR 20 & 21

    DAYS after its sensational premiere at the SXSW Festival where it captivated fans and critics, Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves will have a two-day special sneak previews in cinemas nationwide this coming Monday & Tuesday, March 20 & 21.      Check out your favorite theaters for the screening schedule and admission prices.   Catch these […]

  • Pilipinas, hindi kulelat sa buong Asean region

    PINALAGAN ng Malakanyang ang paratang ng mga kritiko ng Duterte administration na kulelat ang Pilipinas pagdating sa dami ng mga nabigyan na ng Covid-19 vaccines.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kung pagbabasehan ang datos ukol sa bilang ng mga naturukan na ng bakuna kontra Covid-19 ay pumapangalawa na aniya  ang bansa sa Asean […]

  • Kalagayan ng mga Pinoy sa Myanmar, tututukan ng DOLE

    Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Pilipino sa Myanmar na mag-ingat dahil sa idineklarang State of Emergency matapos ang nangyaring kudeta.     Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na walang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Myanmar ngunit may mga Filipino Community doon at sila ang tumitingin sa kalagayan […]