Alas, Phoenix ‘di naging maayos ang hiwalayan
- Published on September 17, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI naging maganda ang paghihiwalay ng Phoenix LPG Superkalan at ni coach Francisco Luis (Louie) Alas habang nakatengga pa rin ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 sanhi ng COVID-19.
Nitong nagdaang Biyernes, Setyembre 11 nagpakalat ng statement ang Fuel Masters na sinisipa na ang stint ni Alas bilang coach ng koponan. May hanggang Oktubre 31, 2020 pa ang paso ng kanyang tatlong taong kontrata.
Kinabukasan (Sabado) aniya, kinausap siya ni team manager Paolo Bugia upang palagdain sa unang binigay na resignation letter. Hindi pumirma ang coach dahil ayaw niyang mag-iwan ng impresyon na inayawan niya ang kanyang team.
“Sabi sa’kin ‘nung Saturday night, ‘Coach, I’m appealing to you para at least may makuha ka du’n sa remainder ng contract mo.’ So ‘yun ang mas pinag-usapan namin,” salaysay nitong Linggo. “Sabi ko, let me sleep on it.
Patulugin n’yo muna ako dahil as I’ve said, I can’t do that – ‘yung magsa-sign ako sa piece of paper na nagre-resign ako, eh, hindi naman ako nagre-resign.”
Tumanggap siya ng sulat matapos pumunta sa management para tanungin kung puwede na siyang magpa-swab test at makabalik sa workout ng team sa Upper Deck sa Pasig City.
Binagsakan muna ang 56-anyos na tactician ng 15-day suspension without pay nitong Set. 1 dahil aniya sa paglabag niya sa health protocols, kabilang ang pagpasok sa facility habang hindi pa tapos ang disinfection.
Ang assistant ni Alas na si Michael Christopher ‘Topex’ Robinson ang tinapik ng Fuelmasters bilang interim coach muna.
Tingin ng OD, gusto na ring baklasin talaga ng Phoenix si Alas. Marahil nainip na rin sa may tatlong taon kawalang produktibo ng team sa ilalim niya.
-
Karamihang biktima umano ni Quiboloy, pasok na sa witness protection ng DOJ
TINUKOY ni House Appropriations Committee Vice-Chairman at Ako Bicol partylist Rep. Jil Bongalon na ilan sa mga biktima ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy ang nasa ilalim na ng Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ). Sa pagtatanong ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas, kaugnay ng paghimay ng proposed budget […]
-
Balota para sa BARMM inuna nang iimprenta ng Comelec
INUNA na ng Commission on Elections (Comelec) na iimprenta nitong Linggo ng umaga ang mga balota para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na gagamitin sa national and local elections sa Mayo 9. Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na nasa kabuuang 2,588,193 balota para sa BARMM ang kanilang iiimprenta. Unang […]
-
Paglilinaw ni PBBM: Pakikipagpulong kay Blinken, hindi sinadya para manalo sa labanan sa West Philippine Sea
NILINAW ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layunin ng kanyang nakatakdang pakikipagpulong kay United States Secretary of State Antony Blinken at panatilihin ang kapayapaan sa West Philippine Sea (WPS) at hindi ang magwagi sa labanan sa rehiyon. Sinabi ito ng Pangulo bago pa ang nakatakdang pagbisita ni Blinken sa Maynila sa darating na Martes, Marso […]