• March 23, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alas, Phoenix ‘di naging maayos ang hiwalayan

HINDI naging maganda ang paghihiwalay ng Phoenix LPG Superkalan at ni coach Francisco Luis (Louie) Alas habang nakatengga pa rin ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 sanhi ng COVID-19.

 

Nitong nagdaang Biyernes, Setyembre 11 nagpakalat ng statement ang Fuel Masters na sinisipa na ang stint ni Alas bilang coach ng koponan. May hanggang Oktubre 31, 2020 pa ang paso ng kanyang tatlong taong kontrata.

 

Kinabukasan (Sabado) aniya, kinausap siya ni team manager Paolo Bugia upang palagdain sa unang binigay na resignation letter. Hindi pumirma ang coach dahil ayaw niyang mag-iwan ng impresyon na inayawan niya ang kanyang team.

 

“Sabi sa’kin ‘nung Saturday night, ‘Coach, I’m appealing to you para at least may makuha ka du’n sa remainder ng contract mo.’ So ‘yun ang mas pinag-usapan namin,” salaysay nitong Linggo. “Sabi ko, let me sleep on it.

 

Patulugin n’yo muna ako dahil as I’ve said, I can’t do that – ‘yung magsa-sign ako sa piece of paper na nagre-resign ako, eh, hindi naman ako nagre-resign.”

 

Tumanggap siya ng sulat matapos pumunta sa management para tanungin kung puwede na siyang magpa-swab test at makabalik sa workout ng team sa Upper Deck sa Pasig City.

 

Binagsakan muna ang 56-anyos na tactician ng 15-day suspension without pay nitong Set. 1 dahil aniya sa paglabag niya sa health protocols, kabilang ang pagpasok sa facility habang hindi pa tapos ang disinfection.

 

Ang assistant ni Alas na si Michael Christopher ‘Topex’ Robinson ang tinapik ng Fuelmasters bilang interim coach muna.

 

Tingin ng OD, gusto na ring baklasin talaga ng Phoenix si Alas. Marahil nainip na rin sa may tatlong taon kawalang produktibo ng team sa ilalim niya.

Other News
  • DOTr: Libreng sakay sa mga trains extended muli hangganag Sept. 15

    Pinahaba muli hanggang September 15 ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa mga trains ng mga pasaherong fully vaccinated.       “The DOTr extended the free rides for vaccinated authorized persons outside of residence or APORs at the Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2 and […]

  • Gobyerno, iniklian ang quarantine, isolation period para sa aviation personnel

    INIKLIAN na ng gobyerno ang  isolation at quarantine period para sa aviation personnel na nahawaan ng COVID-19 at exposed sa COVID-19 case.     Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito ang nakasaad sa ilalim ng  Inter-Agency Task Force Resolution 157 na nagsasabing ang aviation personnel na may mild case ng […]

  • Jerald’s Cup 4-cocker, tutuka sa Marso 6 – Picazo

    TINATAYA na ang 100 sultada sa taunang Jerald’s Cup 4-Cock Derby sa Biyernes, Marso 6 na maghuhudyat sa tag-init ng mga sabong sa Pasay City Cockpit.   Ang beteranong sabungerong si Jerald Picazo ang punong abala para rito kung saan 40-50 katao ang kanyang mga inimbitahan sa derbing mga aayudahan ng Sagupaan Superfeeds at Complexor […]