Alaska workouts grabe – Teng
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
MASKI sa online lang muna nagkakakitaan ang Alaska Milk, kayod sa pagpapawis ang mga manlalaro ni Jeffrey Cariaso.
Ayon sa Aces coach, matindi pa aniya ang pinapagawa niya sa kanilang players kumpara sa harapan.
“Grabe kami mag-workout,” pagsisiwalat din kahapon ni third-year wingman Jeron Teng sa Philippine Basketball Association (PBA) Kamustahan podcast. “Sana makabalik (PBA) kasi nakakapagod ‘yung workout namin, halos araw-araw rin, eh.”
Tila nakakasaid aniya ng enerhiya kaysa sa face-to-face training.
Maghihintay pa ng ilang linggo bago makabalik sa practice facilities ang mga maggagatas.
Muling sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila, sarado na uli ang gyms kaya delayed ang balik-workout ng professional cage league.
Sanhi ng MECQ kanselado rin ang swab testing ng players na iniskedyul ng Agosto 6-7. Ang dating pakay na na Aug. 10 -11 na umpisa ng workout naunsiyami rin. Tatagal ng hanggang Aug. 18 ang MECQ sa National Capital Region. (REC)
-
NCR, palalakasin ang telemedicine para maiwasan na mapuno ang mga ospital sa gitna ng pagbulusok ng COVID-19 —Abalos
SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na pinalalakas ang telemedicine sa Kalakhang Maynila upang hindi mapuno ang mga ospital sa gitna ng pagsirit ng COVID-19 infections. Paliwanag ni Abalos, hindi lahat ng COVID-19 cases sa Kalakhang Maynila ay ay kailangang i-confined sa mga ospital at medical facilities. […]
-
Alert level 3 itinaas ng DFA sa sitwasyon sa Lebanon
DAHIL sa patuloy na kuguluhan sa pagitan ng Israel at mga katabing bansa, itinaas na sa Alert level 3 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Lebanon. Nangangahulugan ito, ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, na maaari na ang voluntary repatriation sa mga Pinoy para maiwasan na maipit sa bakbakan […]
-
Walang taas-pasahe basta may fuel subsidy – transport
HINDI hihirit ng dagdag pasahe ang mga transport groups kung magbibigay ng fuel subsidy ang gobyerno. Ito naman ang kondisyon ng Magnificent 7 kaugnay ng pagtataas ng presyo ng diesel at gasolina bukas. Sa panayam kay Pangkalahatang Sanggunian Manila & Suburb Drivers Association Nationwide, Inc. (PASANG-MASDA) President Roberto “Ka Obet” Martin, sinabi nito […]