Alaska workouts grabe – Teng
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
MASKI sa online lang muna nagkakakitaan ang Alaska Milk, kayod sa pagpapawis ang mga manlalaro ni Jeffrey Cariaso.
Ayon sa Aces coach, matindi pa aniya ang pinapagawa niya sa kanilang players kumpara sa harapan.
“Grabe kami mag-workout,” pagsisiwalat din kahapon ni third-year wingman Jeron Teng sa Philippine Basketball Association (PBA) Kamustahan podcast. “Sana makabalik (PBA) kasi nakakapagod ‘yung workout namin, halos araw-araw rin, eh.”
Tila nakakasaid aniya ng enerhiya kaysa sa face-to-face training.
Maghihintay pa ng ilang linggo bago makabalik sa practice facilities ang mga maggagatas.
Muling sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila, sarado na uli ang gyms kaya delayed ang balik-workout ng professional cage league.
Sanhi ng MECQ kanselado rin ang swab testing ng players na iniskedyul ng Agosto 6-7. Ang dating pakay na na Aug. 10 -11 na umpisa ng workout naunsiyami rin. Tatagal ng hanggang Aug. 18 ang MECQ sa National Capital Region. (REC)
-
PBBM, sinaksihan ang paglagda sa Cooperation Agreement para makapagtayo ng “first cancer hospital” sa Pinas
SINIMULAN na ng AC Health and Varian Medical Systems ang groundbreaking partnership na naglalayong i-improve o ayusin ang access sa de-kalidad na cancer care sa Pilipinas. Ang pagpirma sa cooperation agreement ay sinaksihan ni Pangulong Marcos Jr. sa Ritz-Carlton Hotel sa sidelines ng kanyang naging partisipasyon sa 2023 Asia Pacific Economic Cooperation Summit […]
-
PANUKALANG NO-CONTACT TRAFFIC APPREHENSION NASA QUEZON CITY COUNCIL NA
Nakasalang na sa ikalawang pagbasa ang panukalang No-Contact Traffic Apprehension sa Konseho ng Lungsod Quezon. Kung magiging Ordinansa ito ay mapapabilang na ang pinakamalaking lungsod sa Metro Manila na magpapatupad nito tulad ng sa Lungsod ng Maynila, Valenzuela at Parañaque. Layunin nito na mas maiayos ang traffic sa lungsod at mapapanagot ang mga traffic violators. […]
-
Ads January 9, 2021