• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALBANO, DY SABIT SA KATIWALIAN SA ISABELA PROVINCE

NAGSAMPA ng reklamo sa Senate Committee of Ethics si dating Angadanan, Isabela Mayor Manuel Noli Siquian Sr. laban sa tatlong senador kamakailan.

 

 

Ito ay bunsod ng kawalan ng aksyon sa ipinarating na reklamo kaugnay ng nangyayaring talamak na katiwalian sa Isabela Province.

 

 

Kabilang sa inirereklamo sina Senador Francis Tolentino na siyang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, Sen. Joel Villanueva at Sen. Raffy Tulfo.

 

 

Ayon kay Siquian, ginawa ang naturang hakbang dahilan sa pagbalewala ng tatlong senador sa isyu ng katiwalian na ginagawa ng ilang matataas na opisyales ng Isabela.

 

 

Sinabi pa ng dating alkalde na ilang beses niyang sinulatan ang mga naturang senador upang ipaabot ang nagaganap di umanoy korupsyon sa Isabela province subalit tila hindi pinapansin ng mga senador ang kanyang reklamo.

 

 

“Dapat nilang inaaksiyunan yang reklamo na yan, P2.9 bilyon ang involved na nalustay na pondo dyan sa Isabela,” saad ni Siquian.

 

 

      Nagsimula ang reklamo ng dating alkalde makaraang matuklasan nitong nagkaroon umano ng anomalya sa rehabilitasyon at mayroong overpricing sa mga kagamitan na may kaugnayan sa naturang proyekto.

 

 

      Nauna rito, nagsampa ng reklamong katiwalian sa Office of the Ombudsman noon pang 2020 si Siquian laban kina Isabela vice governor Faustino Dy III at Governor Rodolfo Albano at iba pa kaugnay ng Ilagan-Divilacan Road Rehabilitation and Improvement Project na nagkakahalaga ng P2.9 bilyon.

 

 

“Nanumpa sila sa taumbayan dapat gawin nila ang trabaho nila, this is in aid of legislation,” dagdag pa ni Siquian.

 

 

      Bukod pa rito, nagbanta rin si Siquian sa iba pang senador na kanyang kakasuhan sa Ethics committee sakaling hindi kumilos at magpatawag ng imbestigasyon sa Senado kaugnay ng naturang reklamo. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Kim, napa-‘omg’ nang gayahin ang pose niya sa hallway: REGINE, dahilan kung bakit naka-survive kaya labis na pinasalamatan ng ‘Drag Racer’

    PAGDATING sa mga showbiz female icon na palaging ini-impersonate lalo na ng mga drag queenS, nangunguna sa list si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.   At tulad nga sa naganap na ‘Rusical’ masuwerte si Precious Paula Nicole na napunta kanya ang kanyang idolo na si Regine para gayahin na kung saan siya nga ang nagwagi sa […]

  • Gilas reresbak sa Saudi

    IBUBUHOS na ng Gilas Pilipinas ang lahat upang masikwat ang panalo laban sa Saudi Arabia sa pagpapatuloy ng fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.     Magtutuos ang Gilas Pilipinas at Saudi sa alas-7 ng gabi kung saan inaasahang daragsain ang venue upang […]

  • Nalungkot lang na ‘di nakarating para tanggapin ang award: LOTLOT, nakasungkit uli ng Best Supporting Actress trophy sa ‘The 5th EDDYS’

    SA ikalawang pagkakataon sa loob lamang ng isang buwan ay nanalong Best Supporting Actress si Lotlot de Leon para sa pelikulang ‘On The Job 2: The Missing 8’.     Una ay pinarangalan si Lotlot sa Gawad Urian noong November 17, at nito namang Linggo ng gabi, November 27, ay muling nasungkit ni Lotlot ang […]