ALDEN at BEA, naghahanda na kung paano gagampanan ang challenging role; lock-in shooting malapit nang simulan
- Published on March 5, 2021
- by @peoplesbalita
GINAWA na ang contract signing nina Alden Richards at Bea Alonzo with the three producers na magpu-produce ng inaabangan nang first movie team-up nila, ang A Moment To Remember (Philippine adaptation) ng Korean movie.
Present sina Vincent del Rosario ng Viva Films, Atty. Annette Gozon-Valdes ng GMA Pictures at Mike Tuviera ng APT Entertainment.
Ang A Moment To Remember ay tungkol sa journey of a young couple na mati-test ang kanilang pagsasama nang ma-diagnose ang wife ng early onset ng Alzheimer’s disease.
Ang lalaki ay isang construction foreman at kung paano nila kakayanin at pagtatagumpayan ang kanilang relasyon na may kasamang pain, fear, denial at acceptance.
Sa ngayon ay parehong naghahanda na sina Alden at Bea kung paano nila gagampanan ang character ng bawat isa. Nagkaroon na rin ng workshop si Alden kay Nonie Buencamino para sa kanyang role na gagampanan.
Ready na rin si Bea sa role na ngayon daw lamang niya gagampanan. Pareho nang nabasa nina Alden at Bea ang script na sinulat ni Mel del Rosario at ididirek ni Nuel Naval, the same director na nagbigay sa atin ng Philippine adaptation din ng Korean drama na Miracle in Cell No. 7 na produced din ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival 2019.
Inaayos na ng mga producers ang pagsisimula ng kanilang lock-in shoot na sabi’y dito lamang somewhere in Metro Manila.
***
VERY soon, expecting na for a baby girl ang engaged couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.
Last Sunday, in-upload nina Sophie at Vin ang vlog nila, na ang highlights ay ang two-gender reveal parties na ginanap sa kani-kanilang family.
Sa huling part ng eight-minute video ay nagpakita na sina Sophie at Vin have been blessed with a daughter.
Last month lang nang mag-announce sina Sophie at Vin na they are expecting their first child, kinabukasan lamang pagkatapos nilang ipinakita ang kanilang engagement.
Naging boyfriend-girlfriend sina Sophie at Vin for eight years na. Pinaghandaan muna nila ang kanilang bahay at ang paglipat nila roon bago sunud-sunod na ginawa nila ang mga announcements ng kanilang relasyon, with pre-nuptial pictorials.
***
MAY isa palang Hollywood-produced action film na nagawa si Kapuso actress Heart Evangelista sa China in 2019, pero hindi natuloy ang planong premiere showing nito in Hollywood, China and Hong Kong pagkatapos ng filming, dahil sa pandemic.
Hindi pa raw alam ni Heart kung ano ang susunod na plano ng producer ng movie, pero excited na siya kung itutuloy pa rin ang nauna nilang plano.
Bukod sa said event na hinihintay ni Heart, may isa pa raw siyang project na gagawin sa US this year: “I will be travelling to New York City this August to shoot for something, which will be in Times Square.”
Ayaw munang sabihin ni Heart ang said project na gagawin niya.
Soon ay magsisimula na sila ng bagong Kapuso actor na si Richard Yap, ng GMA weekly series nilang I Left My Heart in Sorsogon. (NORA V. CALDERON)
-
Dito sila ng naglalagi ni Malia para magbakasyon: POKWANG, ipinasilip ang bonggang private resort sa Mariveles, Bataan
TINOTOO pala ni Rita Avila ang pagsampal niya sa baguhang aktres na si Roxie Smith sa madramang eksena nila sa GMA teleserye na ‘Hearts On Ice’. Kuwento ni Rita na gumaganap bilang istrikto at mapanakit na stage mother, pinaghandaan daw nila ni Roxie ang eksenang iyon. Kaya ready daw si Roxie sa mararamdaman niyang […]
-
Pinas, mas pinili ang mapayapang resolusyon sa alitan sa SCS -PBBM
NANANATILI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang posisyon na plantsahin sa pamamagitan ng mapayapang resolusyon ang territorial dispute sa South China Sea (SCS) kasama ang China at Iba pang claimants. Sinabi ni Pangulong Marcos kina Vietnamese President Vo Van Thuong at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh sa magkahiwalay na pakikipagpulong […]
-
Gyms, fitness centers at iba pa pinayagan nang magbukas ng IATF
Simula sa Sabado ay inaasahang magsisibalikan na ang mga fitness buffs sa mga gyms at fitness centers. Ito ay matapos ihayag kahapon ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang pagpayag ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) na muling buksan ang mga gyms at fitness centers sa gitna […]