• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alden, ‘di nagpabaya para makatulong sa nabiktima ng Bagyong Ulysses

NAPAPANAHON ang tema ng GMA Christmas Station ID 2020 na “Isang Puso Ngayong Pasko,” kaya naman hindi kataka-taka na pinusuan ito ng mga unang nakapanood ng launch nito last Monday, November 16, sa 24 Oras sa GMA-7.

 

Nakakuha agad ito ng 1.6K views, 40K likes, 3.8K comments at 8.8K Shares, here and abroad.

 

Isang netizen ang agad nag- post ng comment niya, @Cha Rles Sing Son “Wow! Napaka- heartwarming, very inspiring, and nakaka-touch!

 

“Iyak nang iyak yung puso at mga mata ko, lalo na sa mga news clippings na highlights. Grabe lang mga pinagdadaanan natin ngayong 2020.

 

“Pero tama si Ma’am Jessica Soho, pinakasang-ayon ako na hindi mapipigilan ng pandemya ang pagdiriwng ng Pasko dahil ang pagkasilang ni Jesus Christ sa mundo ay ang ating Pag-asa! GOD is sovereign in all things and in all of us.

 

“Nakakapagpalakas-loob yung mga values printed sa facemasks, at pati yung mga encouragement sa mga placards!

 

“Merry Christmas po sa ating lahat! (with heart emojis).”

 

Ang 2020 GMA CSID ay tinampukan ng lahat ng GMA artists and singers, ng mga men and women ng GMA News and Public Affairs, ng GMA Kapuso Foundation, at mga OFWs sa iba’t ibang lugar sa mundo.

 

Watch GMA Network’s 2020 Christmas Station ID on GMA’s official facebook and YouTube accounts, or on the official website www.gmanetwork.com

 

*****

 

SA kabila ng pagiging busy ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa paghahanda niya at rehearsal para sa upcoming niyang #AldenRichards The Virtual Reality Concert sa December 8, 2020, hindi nagpabaya si Alden na gumawa ng paraan para makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses, sa iba’t ibang lugar ng Luzon.

 

Last Sunday evening, November 15, nag-Tweet is Alden ng, “Tulung-tulong tayo. Please join me as I stream tonight for the benefit of those affected by the recent typhoon #UlyssesPH. 100% of Stars received will be donated, plus get a chance to win (1) iPhone 11 Pro max. Thank you, see you later!”

 

Monday morning, November 16, pinost na ni Alden na, “we raised USD 4624 and PHP 222,559. 100% of proceeds received from last night’s stream is for the benefit of those affected by #UlyssesPH #ARgaming #UlyssesPH.”

 

Hindi lamang iyon ang tulong na ibibigay ni Alden. Mayroon din siyang “Concha’s #SAGIPBUHAY. Because our countrymen’s lives matter. Conchas Garden Cafe will do- nate 10% of it’s gross sales from November 16 – November 22, 2020 to the victims of the recent calamities. Our collective effort can make a big difference.

 

*****

 

CONGRATULATIONS naman sa Team Descendants of the Sun PH, dahil nagustuhan ng mga nanood ng Philippine adaptation ng K-drama sa Netflix simula noong Friday, November 13 at ayon na rin sa post ng Netflix, number 8 ang DOTS PH sa Top 10 Shows ng araw na iyon.

 

Ayon naman sa lead actor na si Dingdong Dantes, trending ng gabing iyon ang kanilang serye. Mapapanood sila tuwing Friday, at every Friday may new episodes na madadagdag.

 

Patuloy naman ang airing ng mga new episodes ng DOTS PH gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • LTFRB: Walang consolidation, walang prangkisa ang jeepneys, UV Express

    ISANG memorandum ang nilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na naglalaman kung saan ang mga operators ng traditional jeepneys, UV Express at multicabs ay hindi na papayagan ng mag operate kung  hindi sila lalahok sa isang kooperatiba o magtatayo ng korporasyon.       Binigyang hanggang June 30 ang mga operators na […]

  • CIVIC ORGANIZATION NAGBIGAY NG CASH DONATION PARA SA QUEZON CITY LEARNING RECOVERY PROGRAM

    NAGBIGAY ng donasyong aabot sa 310 thousand pesos ang Rotary International District 3780 sa pamahalaang lokal ng Quezon City para sa proyekto ng lungsod na Learning Recovery Fund.     Personal na iniabot ni District Governor Florian Entiquez kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nabanggit na halaga ng donasyon bilang pagpapakita ng sinserong komitment […]

  • TOM CRUISE, kabilang sa nag-self-isolate dahil sa crew members na nag-positive sa COVID-19; production ng ‘Mission: Impossible 7’ muling na-shut down

    MULING na-shut down ang production ng Mission: Impossible 7 dahil kabilang ang aktor na si Tom Cruise sa nag-self-isolate dahil may ilang crew members ng production na nag-positive sa COVID-19.     Ayon sa Paramount Pictures spokesperson: “We have temporarily halted production on ‘Mission: Impossible 7’ until June 14, due to positive coronavirus test results […]