ALDEN, na-sad na ‘di kasama ang pamilya sa pagsi-celebrate ng Christmas, New Year at birthday sa Amerika; tuloy na ang lock-in shooting nila ni BEA
- Published on November 23, 2021
- by @peoplesbalita
SIMULA kagabi muling napapanood si Asia’s Multimedia Star Alden Richards at ang buong cast ng GMA Primetime series na The World Between Us, sa kanilang season returns.
Kaabang-abang ang new look ni Alden na tinawag na “Alden 2.0” dahil ibang-iba na ang character niya bilang si Louie Asuncion, na para na siyang isang high-class model, from a simple but smart guy to a business executive. Napangiti nga si Alden nang sabihin para na siyang isang Korean CEO.
Kaya ang tanong paano niya na-achieve ang new look niya?
“Majority po ng look ko ngayon, akin na po talaga yung isinuot ko, mula sa mga outfits ko at mga accessories, I really invest sa show, kasi I promised na kahit anong pwede kong maitulong, gagawin ko,” paliwanag ni Alden
“Nang mag-season break po kami ng serye, may three-year transition period ang character ko, kaya nag-slimming down ako, to give justice to the transition.
“Hindi po lamang naman ako, ganoon din sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez. Siguro po nakatulong din yung lock-in taping namin kaya nagkaroon kami lahat ng time to focus on it.
“Medyo mahirap, pero nang makita namin ang changes, nakaka-proud pong panoorin na iyong mga pinaghirapan namin ay may pinuntahan. Tutukan ninyo kami at 8:50 PM sa GMA-7.”
***
STIL on Alden Richards, balitang tuloy na ang lock-in shoot nila ni Bea Alonzo ng A Moment to Remember, na based sa hit 2004 Korean movie of the same title, pero ngayon, may bago na itong title na Special Memory.
Ito ang ipinahayag ni Viva Entertainment executive Vincent del Rosario, matapos nilang maghintay na maayos na ang pagsu-shooting nila dahil nabawasan na ang mga restrictions gawa ng pandemic, at magagawa na nila itong isang well-crafted movie.
Tungkol ito sa isang couple whose relationship would be tested when the wife gets diagnosed with early-onset Alzheimer’s disease.
Balitang magsisimula na silang mag-shooting ng December 1 hanggang December 20. Kaya tamang-tama naman na sa December 23 ang alis ni Alden papuntang San Francisco, to be with his Kuya RD.
Two years ding hindi nakabiyahe si Alden dahil sa pandemic, at ngayon lamang siya nakakuha ng time kaya susulitin na niya mag-rest after ng sunud-sunod na trabaho.
Sad nga lamang si Alden dahil kung dati every year ay kasama niyang nagbibiyahe ang family niya ng Christmas, this year ay hindi sila nakapag-renew ng visa kaya ang makakasama niya ay ang cousin niyang si April, who works in Siargao.
Doon na rin magsi-celebrate ng 30th birthday niya si Alden sa January 2, 2022. Pagbalik niya ay magri-resume sila ng shoot ng movie ni Bea.
***
NATULOY na at nagsimula na ang lock-in taping ng first team-up nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Beauty Gonzalez, after ng Descendants of the Sun ni Dingdong at Stories of the Heart: Loving Miss Bridgette, ni Beauty.
Magtatambal sina Dingdong at Beauty sa “AlterNATE,” para sa second season ng drama anthology na I Can See You, kasama sina Joyce Ching, Bryan Benedict, Jackie Lou Blanco at Ricky Davao (na muling magtatambal after a long while).
The series is under the direction of Dominic Zapata, pagkatapos niyang idirek ang The World Between Us.
(NORA V. CALDERON)
-
Sa pabubukas ng bago nilang negosyo: YSABEL at ELLE, sinuportahan nina MIGUEL at DERRICK
PATULOY na umaalagwa ang career ni Paolo Contis lalo pa nga at nitong Biyernes, September 22 ay pumirma siya ng panibagong kontrata sa Sparkle ng GMA Network. Sa interbyu kay Paolo ay itinanong dito kung ano ang sekreto ng kanyang pagiging versatile; kasi nga si Paolo ay mahusay sa drama, sa comedy, sa […]
-
Magkakaroon ng ’thanksgiving tour’ ngayong Sabado: Reunion movie nina JOSHUA at JULIA, higit P320 million na ang kinita
AS of August 28, 2024, Wednesday, umabot na sa PHP320M ang gross sales ng Un/Happy For You. Third week na sa mga sinehan ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto at tiyak na lalaki pa ang kinita nito dahil bukod sa domestic gross ay madagdag pa international screenings nito. […]
-
Bagunas biyaheng Japan, bagong kontra inilatag
MULING masisilayan si dating UAAP MVP Bryan Bagunas sa aksiyon sa Japan Volleyball Premier League dahil panibagong kon-trata ang ibibigay sa kanya ng Japanese club team na Oita Miyoshi. Ito ang isiniwalat ni Bagunas matapos magsilbing import ng Oita Miyoshi sa nakalipas na 2019 season. “Sinabi sa akin ng team na kukunin nila […]