• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALDEN, nangako na magiging one of a kind experience ang docu-concert na ‘ForwARd’

NANGAKO si Alden Richards na one of a kind experience ang mystery project niya na ForwARd.

 

 

Sa kanyang Instagram account, pinost ni Alden ang poster ng ForwARd, na isang documentary concert na mula sa direksyon ni Frank Lloyd Mamaril.

 

 

The documentary concert is set to air January 30, 2022, at 8 p.m.

 

 

As expected, natuwa ang fans ni Alden at pinusuan pa nila ang post ng kanilang idol.

 

 

“I am excited to share with you something very close to my heart – a one of a kind concert of who Alden Richards was for the past decade and a whole lot more of Richard Faulkerson Jr., moving forward.

 

 

#ALDENForwARd

 

 

“Grateful for the opportunity to produce this concert for the benefit of the AR Foundation Inc..

 

 

“01.30.2022 There’s nowhere to go but FORWARD  Get your tickets now via https://ticket2me.net/e/34360

 

 

Kasabay ng announcement ni Alden ng Forward ay ang muling pagbabalik ng kanyang teleserye sa GMA na The World Between Us on its second season na mapapanood na sa November 22.

 

 

The projects also come after Alden renewed his management contract with the GMA Artist Center.

 

 

***

 

 

PUMAYAG si Jay Manalo na gawin ang isang mainit na eksena sa pelikulang Mahjong Nights kunsaan gumaganap siyang abusive stepfather ng baguhang sexy star na si Angeli Khang.

 

 

Malaki raw ang utang na loob niya sa Viva Films kaya noong pakiusapan siya, hindi siya huminde.

 

 

Sey ng 45-year old actor: “I agreed naman, pero hindi na siguro kasing daring ng dati. I think I’m too old for sexy roles. Maraming na-launch na sexy stars before, ako naman talaga ang naging partner. Dito ako nag-start at ito ang tahanan ko. Kung gumawa man ako sa ibang productions, babalik ako talaga sa Viva. Kung ano man ang nakalimutan ko dati, dapat tapusin ko.”

 

 

Ang Viva ang sumugal kay Jay noong pagbidahin nila ito sa pelikulang Totoy Mola noong 1997. Hanggang ngayon daw ay ‘Totoy Mola’ pa rin ang tawag sa kanya ng maraming tao.

 

 

“Kahit hanggang ngayon, tinatawag pa rin akong ‘Totoy Mola’ ‘pag nasa labas ako. Doon mo makikita gaano ka-successful ang character na ginampanan mo kapag natatandaan pa rin ng tao kahit matagal na,” tawa pa niya.

 

 

Hindi naman daw naging maramot si Jay sa pag-share ng kanyang acting experiences sa mga baguhan na aktor ngayon, tulad kay Sean de Guzman na nakatrabaho niya sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer last year.

 

 

“Nag-start din naman ako dati. May mga nagbigay din sa akin ng guidelines and suggestions. Sinunod ko naman ang iba, kung ano ang makakatulong sa akin. So ngayon na ako na ang beterano, sinusukli ko naman sa mga baguhan at uma-alalay ako.”

 

 

Isa pang advise ni Jay sa mga baguhan ay matuto silang makisama sa lahat ng makakatrabaho nila.

 

 

“Normal lang na nakikibagay sa iba o nakikkisama sa mga taong malapit sa mundo mo.Makisama ka sa lahat ng nasa mundo ng showbiz. Kahit hindi maganda ang vibes niyo. Pakikisama ang pinaka-importante.”

 

 

Streaming na Vivamax sa maraming bansa ang Mahjong Nights.

 

 

***

 

 

OUT na ang pinakahihintay na re-recorded album ni Taylor Swift na Red Taylor’s Version.

 

 

The album has 30 songs: 21 songs are re-recording from the original Red album na ni-release noong 2012 kunsaan nag-hit ang mga singles na “We Are Never Ever Getting Back Together” and “I Knew You Were Trouble”.

 

 

Dinagdagan pa ni Taylor ng nine new songs ang Red Taylor’s Version na may special vinyl record edition.

 

 

Kasabay ng pag-drop ng Red Taylor’s Version ay ang sinulat at dinirek ni Taylor na short film titled All Too Well kunsaan bida sina Dylan O’Brien at Sadie Sink. Based ang kuwento ng short film sa song ni Taylor na “All Too Well”. Nag-premiere ang naturang short film via YouTube noong November 12.

 

 

Nag-premiere naman ito sa AMC Theater sa Lincoln Square in New York City.

(RUEL MENDOZA)

Other News
  • Yulo kakasa sa 4 na finals event sa World Championships

    NAGPAPARAMDAM na ng puwersa si Tokyo Olympics veteran Carlos Edriel Yulo matapos pumasok sa finals ng apat na events sa prestihiyosong 51st FIG World Artistic Gymnastics Championships na ginaganap sa Liverpool, England.     Inilatag ni Yulo ang pinakamalakas na puwersa nito upang masiguro ang pag-entra sa finals kabilang na ang kanyang paboritong floor-exercise event. […]

  • PBBM CITES SIGNIFICANCE OF MATATAG CURRICULUM, SAYS IT COULD FINE TUNE PH EDUCATION

    THE DEPARTMENT of Education’s (DepEd) launching of the MATATAG Curriculum will improve the country’s school curriculum and determine what suits the needs of Filipino learners, President Ferdinand R. Marcos Jr. said on Monday.     “This is very significant because…ang sinusubukan nating gawin ay ayusin ang curriculum para maging mas bagay sa pangangailangan ng mga […]

  • PDu30, inaprubahan ang pagbili 15 Black Hawk helicopters

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbili ng 15 Black Hawk helicopters matapos na mamatay ang pitong katao sa  Air Force chopper crashed sa Bukidnon noong nakaraang buwan.   Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na unang nais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay magkaroon ng 55 bagong helicopters subalit ito ay nabawasan ng […]