ALDEN pangungunahan ang pagbabasa ng mga kabanata sa double book launching ni RICKY LEE
- Published on December 7, 2021
- by @peoplesbalita
MAGKAKAROON ng double book launching ng mga bagong libro ni Ricky Lee.
Ang Servando Magdamag At Iba Pang Maiikling Kuwento at ang graphic novel adaptation ni Manix Abrera ng Si Amapola, ngayong darating na Dec 14 (Tue), 5:30pm (ph time) via Zoom.
Makakasama bilang mga tagapagbasa sina John Arcilla, Agot Isidro, Joem Bascon, Ketchup Eusebio, Sandino Martin at Alden Richards.
May ipalalabas na video si Manix Abrera kung paano niya ginawa ang adaptation ng Si Amapola sa 65 na Kabanata.
Magkakaroon din ng Q&A with Ricky Lee and Manix Abrera na pamumunuan ng host ng event na si John “Sweet” Lapus.
Para sa mga gustong mag-pre order ng mga bagong libro ni Ricky Lee, paki-click ang link https://bit.ly/3rBmsUr. May siguradong autograph and dedication ni Ricky at ni Manix.
***
SUCCESSFUL ang launching concert ng grupong Beyond Zero composed of Andrei, Duke, Jester, Jieven, Khel, Matty, and Wayne – mga celebrities na sikat sa Tiktok na pinagsama-sama sa isang grupo at naka-generate ng combined 1.4-billion Tiktok views.
Ang House of Mentorque and Mentorque Productions ang sumugal na buuin ang grupo. Binigyan nila ng two month rigorous training in dancing, singing, and personality development ang mga bagets bago ipinakilala sa press ang Beyond Zero.
Nagpasiklab nang kanilang husay ang Beyond Zero sa Cove Manila, ang pinakamalaking indoor beach club sa bansa, kung saan ginawa ang kanilang first major concert. Inawit nila rito ang kanilang first ever single titled “Reach the Top” written by the award winning singer-songwriter, Quest.
Kabilang sa mga sumuporta sa Beyond Zero sa kanilang first major concert ay ang legendary Sexbomb dancers, Manoeuvres, Quest, JRoa, Glendale Aquias, and the talented and stunning Ms. Jessy Mendiola-Manzano.
Kasama rin sa nagpasaya sa concert ay sina Ace Ramos and Mars Miranda, two of the leading DJs sa Pilipinas, gayundin ang fellow tiktokers and friends nila na sina Argie Roquero, Ericka Pineda, Andrea Pauline, Ralph Alfaro, Austin Ong, Franz Miaco and JM Yrreverre na nagpamalas ng mga viral Tiktok dance challenges.
Ang matagumpay na debut concert ng Beyond Zero ay simula pa lang ng kanilang promising career for everyone of them. Alam naman nila they are facing challenges sa pagpasok nila sa showbiz. Pero may mga obstacles man silang haharapin, gagamitin nila ito para mas matuto at mag-improve bilang performers.
Ang BeyondZer0 The Reboot Digital Concert ay naganap noong December 3 at dinirek ni GB Sampedro.
***
KASALI si John Gabriel sa upcoming movie na Caught in the Act under the direction of Perry Escano.
Ginagampanan niya ang role ni Kevin dela Cruz, isang basketball varsity player na kaibigan nina Joaquin Domagoso. Isa siya sa pinakamakulit na karakter sa movie. Itong Caught in the Act ang first movie ni John kung saan napanood niya ang kanyang sarili.
Pero ang first movie ni John ay ang filmfest entry ng Heaven’s Best Entertainment Production titled Huling Ulan sa Tag-araw na una niyang nai-shoot na kung saan gumanap siya bilang basketball coach na isa po sa mga kaibigan ni Ken Chan.
Naniniwala si John na hindi dapat palampasin ang pelikula nila sa MMFF 2021 dahil maraming dapat abangan.
(RICKY CALDERON)
-
AIR POLLUTION
MISTULANG COVID-19 ang air pollution sa bansa sapagkat 27,000 katao ang pinapatay bawat taon, sa pag-aaral ng Greenpeace Southeast Asia at ng Center for Research on Energy and Clean Air, ang usok mula sa mga sasakyan gamit ang gasolina at krudo at maging ang mga sinusunog na coal ay nagiging sanhi ng kamatayan ng mga […]
-
Terence Crawford, looking forward pa rin na makaharap si Pacquiao
Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si reigning WBO world welterweight champion Terence Crawford na makaharap si Pinoy boxing champion Manny Pacquiao. Sinabi nito ng kung hindi lamang sa naranasang coronavirus pandemic ay natapos na ang kontrata. Sakaling hindi aniya siya mapili ng fighting senator ay handa itong harapin ang sinumang nasa 147 […]
-
Binalikan ang ‘yatch date’ na promo ng movie: SAM, ‘di nagkamali sa pagsasabi noon na sisikat si ALDEN
SAKSI kami sa naging yacht date noon nila Alden Richards at Sam Pinto. Nangyari iyon noong 2011 at magkasama sina Alden at Sam sa pelikulang ‘Tween Academy: Class of 2012’ ng GMA Films. Nabanggit kasi sa isang interview ni Alden na isa sa crushes niya during that time ay si Sam […]