Alegasyon vs Sen. De Lima, binawi ni Kerwin Espinosa
- Published on April 30, 2022
- by @peoplesbalita
BINAWI ng umaming drug lord na si Kerwin Espinosa ang lahat ng alegasyon niya laban kay Senador Leila de Lima sa isinumite niyang ‘counter-affidavit’ sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes.
Isinumite na ang counter-affidavit ni Espinosa sa DOJ kahapon, ayon sa abogadong si Ramund Palad. Sinabi ni Palad na saksi siya nang pirmahan ni Espinosa ang counter-affidavit sa Bicutan, Taguig City nitong Miyerkules.”Basically, binabawi niya or nire-recant niya whatever statements na sinabi niya kay Senator de Lima which implicated (the) senator sa illegal drug trade,” saad ni Palad.
Dumalo rin si Palad sa Zoom meeting kahapon kung kailan sinumpaan ni Espinosa ang dokumento.Isinaad ni Espinosa na lahat ng mga akusasyon niya laban kay De Lima ay hindi totoo. Kabilang dito ang sinabi niya na nakapagbigay siya ng P8 milyon na ‘drug payola’ kay De Lima noong siya pa ang kalihim ng DOJ, sa pamamagitan ng driver niya na si Ronnie Dayan.
Si Espinosa rin ang isa sa mga saksi ng pamahalaan na iprinisinta laban kay De Lima sa mga pagdinig sa Senado.
Idinagdag pa niya na anumang pahayag niya laban sa senadora ay mali at resulta umano ng panggigipit sa kaniya at banta sa kaniyang buhay at pamilya na ginawa ng mga pulis na nag-utos sa kaniya na idawit si De Lima sa negosyo sa iligal na droga.”For this, undersigned apologizes to Senator De Lima,” ayon pa sa dokumento.
Si Espinosa rin ang isa sa mga saksi ng pamahalaan na iprinisinta laban kay De Lima sa mga pagdinig sa Senado.
Idinagdag pa niya na anumang pahayag niya laban sa senadora ay mali at resulta umano ng panggigipit sa kaniya at banta sa kaniyang buhay at pamilya na ginawa ng mga pulis na nag-utos sa kaniya na idawit si De Lima sa negosyo sa iligal na droga.”For this, undersigned apologizes to Senator De Lima,” ayon pa sa dokumento. (Daris Jose)
-
Ads June 3, 2023
-
COVID-19 reproduction number sa NCR bumaba sa 0.99 – OCTA
Patuloy na nakakakita ang OCTA Research group ng improvement sa reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR). Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba sa 0.99 ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR mula sa nauna nilang report na aabot pa sa 1.03. Umaasa si David na […]
-
PBBM sa ERC: Pag-aralan ang electricity bill moratorium para sa mga Kristine-hit areas
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Energy Regulatory Commission (ERC) na pag-aralan mabuti ang posibleng implementasyon ng ‘temporary relief’ sa electricity bill payments sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity. Ipinag-utos ni Pangulong President sa ERC na pag-aralan ang pagpapataw ng moratorium sa electricity line disconnections at payment collections […]