• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘McGregor, nais kong unahin sa 2021 ring comeback’ – Pacquiao

Inamin ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao na si UFC superstar Conor McGregor ang una nitong gustong makalaban sa oras na magbalik na ito sa boxing ring sa susunod na taon.

 

Ayon kay Pacquiao, nais niya raw maranasan na makaharap sa ibabaw ng boxing ring ang isang MMA fighter.

 

Nilinaw naman ng Fighting Senator na hindi ito namimili ng nais nitong makatunggali dahil ang mahalaga aniya ay parehas sila ng timbang.

 

Maliban kay McGregor, sinabi ni Pacquiao na kabilang din sa mga prayoridad sina pound-for-pound king Terence Crawford at unified champion Errol Spence Jr.

 

Una nang sinabi ni Pacquiao na asam nitong magkaroon ng isa hanggang dalawang boxing fights sa 2021.

 

Kung maaalala, huling tumuntong si Pacquiao sa boxing ring noon pang Hulyo 2019 kung saan kanyang inagaw ang WBA welterweight title mula sa dating walang talo na si Keith Thurman.

Other News
  • After 20 years, kaya masaya ang mga anak: LOTLOT, tinanggap agad dahil blessing na muling makasama si RAMON CHRISTOPHER

    BAGO pa man sumikat ang mga kilalang loveteams nina Bianca Umali at Ruru Madrid at Mikee Quintos at Paul Salas na mga bida sa ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines ay umalagwa ng husto noon ang tambalan nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.     Na humantong nga sa kasalan ng dalawa […]

  • Pres. Duterte pinatataasan sa P500 ang halaga ng ayuda para sa pinakamahihirap na pamilya

    INATASAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Finance Sec. Carlos Dominguez III na dagdagan ang ayuda na ipinamamahagi sa pinakamahihirap na pamilya o benepisaryo ng 4ps.     Sinabi ng pangulo na kulang ang P200 kada buwan para sa isang pamilyang may limang miyembro.     Kaya naman inutos nito kay Sec. Dominguez na gawan […]

  • PBBM, pinuri ang napakahalagang serbisyo sa bayan ng mga guro

    PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga guro sa iba’t ibang panig ng bansa para sa kanilang “hindi matatawaran” at napakahalagang serbisyo sa bansa lalo na sa gitna ng nagpapatuloy na limited face-to-face classes.      Sa naging mensahe ng Pangulo sa National Teachers’ Day, hinikayat ng Pangulo ang mga Filipino na kilalanin ang “sakripisyo” […]