• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alert Level 1 sa NCR, posible- Nograles

MALAKI ang posibilidad na ilagay sa tinatawag na “most lenient” Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng Covid-19 sa mga darating na araw.

 

 

Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, magkakaroon ng preliminary assessment sa COVID-19 situation ang mga key officials ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

 

 

Susundan aniya ito ng pagpupulong sa darating na Pebrero 12 o Pebrero 13 upang pag-usapan ang pinakabagong Covid-19 data at bilang sa iba’t ibang rehiyon kasama na ang NCR.

 

 

“What we want to do sa IATF is the closer to February 16 ang aming assessment para ‘yun ang latest numbers na makikita natin to make a final decision for alert level system for February 16 hanggang katapusan ng Pebrero,” ayon kay Nograles.

 

 

Nauna rito, sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) officer-in-charge and general manager, Romando Artes, na handa na ang mga Alkalde sa Kalakhang Maynila na pagaanin ang restriksyon sa kani-kanilang local government units (LGUs) subalit nananatiling naghihintay pa rin sa final guidelines mula sa IATF.

 

 

“Ine-expect natin na soon baka mag-Alert Level 1 po tayo. Ang mga alkalde naman po ay handa para sa pagbubukas ng iba’t ibang industriya at sektor sa kalakhang Maynila ,” aniya pa rin.

 

 

Sa oras na nagpatuloy ang pagbaba ng Covid-19 cases, sinabi ni ni Artes na kaagad na hihilingin ng Metro Manila Council na ilagay ang NCR sa Alert Level 1, “as discussed by its members.”

 

 

Samantala, ang Metro Manila, kabilang na ang Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal in Luzon; Biliran at Southern Leyte sa Visayas; at Basilan sa Mindanao, ay kasalukuyang nasa Alert Level 2 hanggang Pebrero 15. (Daris Jose)

Other News
  • Kinumpara ang kaakit-akit na ganda sa alak: DERRICK, ‘di nakapagtatakang mahumaling sa morena beauty ni ELLE

    HINDI nakapagtatakang mahumaling si Derrick Monasterio sa morena beauty ni Elle Villanueva habang ginagawa nila ang mga maiinit na eksena sa teleserye na ‘Return To Paradise.’   Kinumpara ng Kapuso hunk ang kaakit-akit na ganda ni Elle sa alak: “Si Elle para siyang wine. ‘Yung habang tumatagal lalong gumaganda. Ganoon siya eh, ang dami kong […]

  • Nagpi-pray na kayanin ang matinding pagsubok: KRIS, naghahabol ng oras at halos dalawang taon ang aabutin ng gamutan

    MAY bagong update si Kris Aquino tungkol sa kanyang kalagayan at patuloy na pagbagsak ng kanyang kalusugan.     Sa IG post niya, pinost ang video na kung saan sinu-swab siya, kasama ang mahabang explanation kanyang doktor.     Panimula ni Kris, “Not a long caption:     “Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal […]

  • Naging favorite ang character niya sa ‘Black Rider’: YASSI, nag-enjoy at gusto ulit makatrabaho si RURU

    NAGING paboritong character ni Yassi Pressman si Bane/Vanessa dahil sa mala-roller coaster na pinagdaanaan ng character nito sa GMA actionserye na “Black Rider.” “There’s just so many emotions din po para sa isang taong nagkaron ng amnesia na hindi ko rin na-portray noon. Hinahanap niya po kung sino siya at kung ano ‘yung mga experiences […]