• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alert Level 4 makakatulong sa pagpapababa ng mga naitatalang bagong COVID-19 infections

KUMBINSIDO ang OCTA Research group na makakatulong sa posibleng pagpapababa ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 ang paglalagay sa buong bansa sa ilalim ng mas mahigpit na Alert Level 4.

 

 

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, kalakip kasi ng deklarasyon na ito ay ang pagpapababa sa pinapayagang capacity ng mga establisimyento.

 

 

Gayunman, aminado si David na hindi pa malinaw sa kanila kung gaano kalaki ang maitutulong sakali mang ituloy ng national government ang paglalagay sa buong bansa sa ilalim ng Alert Level 4.

 

 

Samantala, nakikita naman ng OCTA na malapit nang mag-peak ang COVID-19 surge sa Metro Manila, na mayroon nang positivity rate na higit 50%.

 

 

Kung maabot na ang peak, sinabi ni David na saka pa lamang makakakita ng downwards trend, na posibleng mangyari sa susunod na linggo, depende pa rin sa magiging sitwasyon sa mga susunod na arwa. ( Daris Jose)

Other News
  • Keanu Reeves, Donated Most Of His Matrix Salary To Leukemia Research

    KEANU Reeves, continuing to prove himself as the nicest guy in Hollywood, reports say that the actor donated most of his Matrix salary to leukemia research.     Reeves, who rose to prominence in the 1990s off the back of his performances in films like Bill and Ted’s Excellent Adventure, Point Break, Bram Stoker’s Dracula, and Speed, was cast […]

  • “Paeng” hits over 2,000 Bulakenyos

    CITY OF MALOLOS — A total of 2,214 individuals or 643 Bulakenyo families were affected by Severe Tropical Storm “Paeng”, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) reported yesterday.     The PDRRMC said that Provincial Social Welfare and Development Office reported that affected individuals from nine municipalities including the towns of Bulakan, Pulilan, […]

  • Vice President Sara nagbabala sa solicit scam

    NAGPAALALA sa publiko si Vice President Sara Duterte laban sa mga scammer na gumagamit ng kaniyang pangalan para makapang-scam ng pera.     “Mag-ingat sa mga tao o grupong mangongolekta sa inyo ng pera gamit ang aking pangalan,” ayon kay Duterte sa Facebook page post niya.     Sinabi niya na karaniwang nagpapakilala ang mga […]