• April 1, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alex Eala, hawak na ang No. 75 sa Live WTA ranking kasunod ng panalo sa mga dating Grand Slam champion

HAWAK na ni Pinay tennis star Alex Eala ang No. 75 sa Live Women’s Tennis Association ranking, kasunod ng impresibong performance sa mga nakalipas na laban sa 2025 Miami Open.

Bago ang pagsabak ni Eala sa naturang turneyo, hawak nito ang pang-140 na pwesto sa WTA.

Agad siyang umakyat sa ranking at nilagpasan ang mahigit dalawampung player na dating mas mataas kaysa sa kaniya.

Ang bagong rank ay batay sa ATP Rankings, isang merit-based system na ginagamit ng Association of Tennis Professionals (ATP).

Kung maipapanalo ni Eala ang mga susunod na laban, tiyak ang lalo pa niyang pag-akyat sa pwesto, kapag ilabas na ng WTA ang opisyal na ranking mga babaeng tennis player sa buong mundo.

Bagaman hindi opisyal ang live ranking, ito ay nagpapakita ng real-time projection sa standing ng isang player, batay sa pinakahuling resulta ng kanilang performance.

Samantala, sa isang panayam kay Eala matapos ang impresibong performance laban kay Iga Swiatek, iginiit niyang dati na niyang inasam na makakaharap din ang World No. 2 at iba pang kilalang tennis player ngunit hindi umano niya ito inaasahang mangyayari sa maikling panahon.

Si Eala ay nagtapos sa Rafa Academy kung saan sa kaniyang graduation ay magkasama sina 22-Grand Slam champion Rafael Nadal at Swiatek na naggawad sa certificate ng tennis star.

Other News
  • Grade 8 student, timbog sa baril sa Malabon

    ISANG Grade 8 na estudyante ang arestado matapos mabisto ng security guard ang dalang baril sa loob ng kanyang bag habang pumasok sa kanilang paaralan sa Malabon City.   Papasok na sa gate ng kanilang paaralan sa Arellano University Jose Rizal Campus sa may Gov. Pascual St. Brgy. Baritan ang 15-anyos na estudyante alas-11 ng […]

  • DBM, nagpalabas ng ₱2.5 Billion para sa Free Public Internet Access Program (FPIAP)

    INAPRUBAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina F. Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P2.5 billion, at Notice of Cash Allocation (NCA) para sa first quarter na nagkakahalaga ng P356.2M para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng Department of Information and Communications Technology—Office of […]

  • Kai Sotto nagpakita ng maturity sa panalo ng Gilas laban sa Jordan

    Tinanggap ni Kai Sotto ang desisyon ng kanyang coach na si Chot Reyes na i-sub out siya sa first half nang maluwag sa pagbawi niya sa kanyang sarili mula sa matamlay na simula sa pamamagitan ng malakas na pagpapakita sa third-quarter para pamunuan ang Gilas Pilipinas laban sa Jordan sa Fiba World Cup Asian Qualifiers […]