Alex Eala sasabak sa unang pagkakataon sa SEA Games
- Published on March 12, 2022
- by @peoplesbalita
SASABAK na 31st Southeast Asian Games si Filipina tennis sensation Alex Eala.
Sinabi ng ama ng 16-anyos na tennis star na si Mike na kabilang ang anak nito sa mahigit na 600 atleta na ipapadala ng bansa sa nasabing torneo sa darating na Mayo sa Hanoi, Vietnam.
Naisumite na nito ang kaniyang registrationa at pirmado na ng ama.
Ito ang unang pagkakataon na sasabak si Eala sa nasabing biennal event kung saan itinuturing na siya ang paboritong manalo at mag-uwi ng medalya.
Ang Rafael Nadal Academy scholar ay kasalukuyang nasa no. 10 sa junior rankings at siya ay nasa ranked 571 sa buong mundo sa Women’s Tennis Association (WTA) matapos ang panalo sa Round of 16 sa W35 Joue les Tour sa France.
-
Serena Williams hindi na maglalaro sa Tokyo Olympics
Nagdesisyon si Serena Williams na hindi ito maglalaro sa Tokyo Olympics. Hindi naman na idinetalye o binanggit ang dahilan ng kaniyang pag-atras sa nasabing torneo. Ang 39-anyos na American tennis star ay nagwagi ng gold medal sa singles titles noong London Olympics sa 2012 at tatlong gold medals sa doubles kasama […]
-
Baseball na tinamaan ni Japanese player Ohtani naibenta sa halagang $4.4-M
NAIBENTA sa halagang $4.4 milyon sa auction ang bola na tinamaan ni Los Angeles Dodger superstar Shohei Ohtani. Ang nasabing pagtama nito ay siyang pang-50 na home run sa Major League Baseball. Ang 30-anyos na Japanese hitter ay siyang kauna-unahang manlalaro sa kasaysayan ng baseball na nakatama ng 50 home runs at nakakumpiska […]
-
Pagpapatupad ng bagong alert level system sa mga probinsiya, may konsultasyon- Sec. Roque
KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinunsulta ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang lahat ng rehiyon at probinsya bago pa ikinasa ang bagong alert level system sa ilang piling lugar sa bansa. Umapela kasi ang League of Provinces in the Philippines sa IATF na ipagpaliban ang implementasyon ng alert level system sa […]