• May 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALEX, inamin na rin na kinasal na sila ni MIKEE noong November 2020

SA latest YT vlog ni Alex Gonzaga, inamin niya na kinasal na sila ni Mikee Morada.

 

Kasabay nga ng 33rd birthday ng TV actress/host noong Sabado, January 16, 2021, ibinahagi ni Alex na naganap ang civil wedding ceremony sa family room ng bahay ng mga Gonzaga sa Taytay, Rizal noong November 2020.

 

Sa vlog sinabi ni Alex na madalas raw silang tanungin ng followers kung kailan ba ang kasal?

 

“Sasagutin na namin ‘yan,” sabi ni Alex.

 

“Nag-vlog ako 2017, one year pa lang kami ni Mikee na nagdi-date nun. So parang, kasama kayo sa relationship namin at nag-grew together tayo. I wouldn’t be who I am today, if were’nt for you at nagbigay sa akin ng purpose in life. So, I’m very very thankful sa inyong lahat.”

 

Pagpapatuloy ni Alex, “So, kailan na ba ang kasal natin?

 

“Tapos na! Tapos na po kami, kinasal na po kami,” sabay pakita ng kanilang wedding rings.

 

“Isa na po akong maybahay at isa na po akong wife, Mrs. Morado na ako! Misis na ako.”

 

Sabi naman ni Mikee, “Dito tayo ikinasal, sa inyo.”

 

“Kaya dito kami nagsasalita. Dito sa altar na ‘to kami mismo ni kinasal ni Mikee. Simple lang, kasama lang ‘yun family ang parents namin,” sambit naman ni Alex.

 

Nag-sorry naman ni Alex sa netizens na ngayon lang nai-share ang importanteng kaganapan sa buhay nila ni Mikee.

 

“I’m very, very sorry netizens if hindi ko nai-share sa inyo agad ang nangyari is because we want it to celebrate together as a family muna.

 

“And siyempre, alam namin na yung timing din, at saka alam namin na may pandemic.

 

“So, we just wanted to keep it for ourselves for a little while to celebrate, kaya mister ko na ‘tong mokong na ito,” masayang pahayag ng sikat na vlogger.

 

Dagdag pa niya, “Happily married kami guys, grabe ang saya! Finally nakakatabi ko na siyang matulog. Nakakatulog na siya sa kuwarto ko.”

 

Promise pa niya, “ipapakita ko naman sa inyo yan, soon kung ano talaga fully ang nangyari sa wedding namin.”

 

Nagpasalamat din si Alex sa pagiging supportive ng kanilang parents at relatives sa kanilang pagpapakasal.

 

“This wedding is really for our parents kasi siyempre, yung nangyayari ngayon, it’s very uncertain. Hindi natin alam kung kelan matatapos ang pandemic.

 

“Siyempre, gusto namin to seal the deal na nandito kami lahat, nandito tayo lahat nakaka-celebrate.”

 

Pagbibiro pa ni Alex, “Ok, fine, aaminin ko na, gusto ko na siyang makatabi sa kama.  Pero ayaw pa ng mommy at daddy ko.  So, sabi ko, alam n’yo, ‘ikasal na lang!’

 

“So, ngayon okay na, approved na ni Pinty at ni Bonoy. Kasi sa totoo lang nasa tamang edad na kami ni Mikee (pareho na silang 33 years old), pero kung ano yung request ng magulang ko, lalo na yung magulang ko, ginalang ni Mikee and nirespeto namin na kung sakali man na gusto namin magsama, maikasal kami.”

 

“So yun, kinasal kami and after nung one night na natulog na siya, okay na.”

 

Dagdag pa ni Mrs. Moroda, “ipapakita ko rin sa inyo kung paano ang set-up namin ni Mikee as new married couple. Medyo iba ‘yun situation namin ni Mikee, hindi kami talaga ‘yun magkasama sa bahay.”

 

Every weekends lang muna nagkakasama ang mag-asawa dahil may trabaho ni Mikee sa Lipa City, Batangas bilang councilor.

 

Sa property na wedding gift ng parents ni Mikee, lilipat ang bagong mag-asawa kapag natapos na ang pagri-remodel ng bahay.

 

Noong December 2019 na-engage sina Alex at Mikee, January 2020 naman nila ito ibinahagi kasabay rin ng birthday ni Alex.

 

Last October sana gaganapin ang kanilang kasal ngunit na-postpone ito matapos mag-postive sa COVID-19 na ibinahagi rin ni Alex sa kanyang vlog.

 

May magandang advice naman si Alex sa mga nakapanood ng kanyang ‘We’re Married’ vlog.

 

“Sa lahat ng hopeless na o naghahanap ng ‘the one’ nila. Alam n’yo kumapit lang kayo, kasi there was a time in my life na, ‘yung mga request ko kay Lord, akala ko hindi na ibibigay ni Lord and impossible na maibigay sa akin.

 

“Pero, you just have to wait for God’s perfect time. Ibibigay talaga niya ‘yun kung ano ni-request mo, eksakto!”

 

Kitang-kita naman ang mga reaksyon ni Mikee sumunod na tinuran ni Alex, “Sabi ko, gusto ko ng lalaking naka-cap. Gusto ko ng boy-next-door at magalang.

 

“Gusto ko ‘yung ganyang type, naka-salamin, oo. Gusto ko parang daddy ko. ‘Yan (Mikee) parang si Bonoy, Bonoy ng Lipa.”

 

Kuwento naman ni Mikee, “ako lumaki na panganay. So, masaya ako na para akong kuya na pinaprotektahan ko ang mga kapatid, and siyempre mas lalo na sa partner ko at asawa ko na ngayon.”

 

Naka-post sa vlog ni Alex ang caption na, “Millenial Misis na ko!! By God’s grace hoping to have a big wedding where we can celebrate with friends and whole family this year.”

 

Na hopefully, matuloy nga ngayong 2021.

 

Samantala, binalikan naman ng netizens ang vlog ni Alex noong Christmas Eve at kitang-kita nga ang wedding ring niya, na bakit hindi talaga masyadong napansin.

 

Marami din ang kinilig at binalikan din ang sinabi ni Mommy Pinty na, “for my two sons”, na nahiya pang iabot kina Paul Soriano at Mikee ang kanyang identical Christmas gift.

 

Pero may nagduda naman early this year, na baka nga kasal na ang dalawa nang mapansin ng netizens ang Instagram video post ni Alex, na kung saan kita na parang may kumikinang na wedding ring na suot ni Mikee sa kanang daliri habang iniinom ang milktea na negosyo ng magkapatid na Alex at Toni Gonzaga.

 

May pumuna naman na parang preggy na si Alex sa vlog dahil sa maluwag niyang damit, pati sa celebration niya sa Lunch Out Loud ay ganun din ang naging reaction ng mga nakapanood.  Kaya ‘yun naman ang aabangang announcement ni Alex sa kanyang susunod na vlog.

 

Congrats Mikee & Alex!

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Lalong nabuhay ang BarDa at FiLay fans: BARBIE at DAVID, ire-remake ang movie nina SHARON at ROBIN

    LALONG nabuhay na ang mga BarDa at FiLay fans ng “Maria Clara at Ibarra.”      Dahil ang love team nina Barbie Forteza at David Licauco, na after mag-shoot ng first movie nila together, na partly shot in South Korea, ang “That Kind of Love,” ay nagkaroon na ng look test para sa kanilang susunod […]

  • Mga telco sa bansa, wala nang lusot para manatiling pangit pa rin ang serbisyo ngayong may Bayanihan act 2- Malakanyang

    WALA nang puwedeng idahilan para makalusot  ang mga telecom companies para hindi gumanda ang kanilang serbisyo ngayong may Bayanihan act 2 na.   Kabilang kasi sa nilagdaang batas  ay ang pagbibigay ng special powers kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan ay  pansamantalang sinuspinde ang  requirements para makakuha ng permits at clearances sa pagtatayo ng […]

  • Palalakasin ang slot ng A2Z, Kapamilya Channel, at TV5: Noontime show nina VICE at BILLY, sanib-pwersa nang mapapanood

    SANIB-PWERSA ang Lunch Out Loud at It’s Showtime para palakasin ang noontime slot ng A2Z, Kapamilya Channel, at TV5.     Simula sa Sabado, July 16, simula starting at 11 am back-to-back na mapapanood na ang dalawang programa. From 11 am to 12:45 pm ay mapapanood ang Lunch Out Loud tapos papasok naman ang It’s […]