• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alfred, isa sa mga sumuporta: ‘Easy Listening’ ni Nestor Cuartero, tagumpay ang book launch

MALUGOD na inihayag ng UST Publishing House (USTPH) ang paglabas ng kalilimbag na aklat, sa ilalim ng kanilang creative nonfiction shelves, na “Easy Listening” ni Nestor Cuartero
Ito ay kaipunan ng mga personal na sanaysay ng veteran journalist at book author sa kanyang matapat na pagtalakay tungkol sa iba’t ibang paksa — mula sa pagninilay sa pagiging ama hanggang sa mga pagdiriwang sa mga biyaya ng kalikasan — na pawang sinulat gamit ang pagiging mausisang peryodista at malikhaing pananaw bilang manunulat.
Mababasa sa mga sanaysay sa 116 na pahina ng aklat ang mga pagmumuni ng diwang malumanay at mapagmasid, sa pagkatuwa sa kagandahan ng mga pangkaraniwang bagay sa araw-araw: palakaibigang mga kapitbahay, paglalakad-lakad sa hapon, ang matamis-maasim na mga prutas, ang kasiyahan sa pakikinig sa pagmamadali araw-araw.
Ito ay panulat na humagilap sa kamangha-mangha sa karaniwan at naipahayag sa paraang tila paglalakad lamang sa masigla at pamilyar na daan pauwi sa tahanan.
Nailarawan ng acclaimed essayist at fictionist na si Cristina Pantoja Hidalgo ang ganitong kuru-kuro sa Introduction: “All in all, the book makes for a pleasant experience. It’s like having a casual visit with the author, on a quiet afternoon, sharing a cup of that Baraco coffee, and conversation on this and that, and the other.
“One comes away from the experience realizing that one is feeling lighter and better about oneself and the world, as a result of the friendly companionship, and the homespun wisdom.”
Ayon kay Nestor Cuartero, ang “Easy Listening” ay walang iba kundi ang tinatawag ni Andrew Rooney na “pieces of my mind,” mga bunga ng kaisipan ng isang matanda, mga tala at notasyon tungkol sa pangngalan at pandiwa, sa mga tao, sa mga lugar, at mga bagay, maliliiy na sanaysay tungkol sa pamilya, sa mga halaman at hayop, mga pusa, mga aso, mga kaugalian at tradisyon, mga karanasan, na makulay at matamis sa alaala, hindi nangangahulugang salungat, sa manlalakbay na ito na nanggaling na doon at nagawa na ang dapat gawin.
Sa kanyang sinulat: “Happily, they are just that, rumblings, not rants, on what is true, good, beautiful and memorable.
“Jotting them down, glossing over them, make, for me, the essence of a good life. Enjoying them through sheer remembrance, seizing the moment, listening to winds of change, looking back with joy in one’s heart, is one secret to youthfulness and towards happy old age.
“And so, with this in mind, and with heart throbbing and thriving, the title of this slim collection was born: Easy Listening.
“Hope this book catches you in that joyful mood, light and free and easy, as when I started and finished writing its contents.”
Isa nga sa mga suporta sa matagumpay na book launching ni Kuya Nestor si QC Councilor Alfred Vargas, na labis labis ang pagmamahal sa entertainment writers.
Available na ang mga kopya sa UST bookstore sa Main Building, at sa UST online bookstores sa Shopee (https://bit.ly/3VJP9uf) and Lazada (https://bit.ly/3Fld6mt).
Maaari ring kumontak sa DM, PM (sa Facebook) o magpadala ng text sa 0917-800-5986 para sa mga detalye o orders.
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Multi-Specialty Hospital, itatayo sa Clark, Pampanga

    SISIMULAN na  ngayong buwan ang pagtatayo ng bagong medical specialty center na magsisilbi sa Central at Northern Luzon.     Inanunsyo ni Health Secretary Teodoro Herbosa na handa na ang groundbreaking para sa itatayong Clark Multi-Specialty Hospital sa darating na Hulyo 17.     Ang nasabing ospital ay itatayo sa ilalim ng Executive Order No. […]

  • NLEX isinama sa active player ang veteran player na si Asi Taulava

    Magiging aktibo muli sa paglalaro ang veteran player ng NLEX na si Asi Taulava.     Kasama si ang Fil-Tongan player sa 15-man roster na inilista at maglalaro sa 2021 PBA Governors’ Cup.     Sinabi ni NLEX coach Yeng Guiao na sa edad ni Taulava ay maganda pa rin ang kaniyang pangangatawan.     […]

  • Ex-President Estrada patuloy na inoobserbahan ang kalusugan

    Patuloy pa ring inoobserbahan sa pagamutan si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada dahil sa COVID-19.     Ayon sa anak nitong si Jinggoy Estrada na inilagay sa high flow oxygen support ang dating pangulo at ito ay nasa Intensive Care Unito ng pagamutan.     Nagpasalamat na lamang ang dating senador dahil hindi na kailangan […]