• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aliw na aliw ang mga netizens sa kulitan nila ni Sylvia: ICE, inakalang namatay dahil sa black and white photo sa IG

DAHIL sa in-upload na black and white photo ni Ice Dino Seguerra sa kanyang Instagram account, napagtanto niya ngayon na, “ang hirap pala mag-post ng black and white photo sa IG, may phobia na ang mga tao.”

 

Ito ang nilagay na caption ni Ice sa kanyang FB post na kung saan ginawa rin niyang profile ang viral photo, kasama ang screenshot ng naging reaction ng mga netizens.

 

Sa kanyang IG makikita nga ang black and white photo na may caption ang edited post ng, “Kalma lang kayo guys. Ako lang ‘to. At buhay pa ako.”

 

Sa totoo lang, nabulabog talaga ang kanyang followers at ‘yun iba ay munting nang maiyak na naturang post at comment nga nila dahil inakala nilang may masamang nangyari sa kanilang idolo:

“Idol wg gnyn. Msmng biro yn magbi-birthday k man na. Ingat always idol. πŸ‘πŸ™”

 

“Juskolord kinabahan ako dun ah.. akala ko d ko na makaka duet ang lodi ko… hahaha.. may pag asa pa pala.. wag mo na uulitin yan..”

 

“Oo nga grabe wag ka ganyan gulat ako😒😒😒 hearth broken, gamot pa nman ng mom ko sa alzheimers mga kanta mo calming musicβ€οΈπŸ˜‚πŸ™ŒπŸ‘”

 

“Kinabahan ako sayo AizaπŸ€£πŸ˜‚ takot nako sa mga Black Photo. hahahah next time wag napo ganyan πŸ˜‚πŸ€£

 

nakakashookot lalo nat sunod sunod nkkita ko sa IG today.”

 

Say pa ng isa, “vaklaaah… wag black and white..😳 nyeeymes nman. eeey. huh!! wag ganyan… πŸ™ƒ”

 

 

“Bawasan mo kasi magkape, kaya parati kang kabado eh,” sagot ni Ice sa isang netizen.

 

Hirit pa ng sikat na mang-aawit para sa mga kinabahan dahil para nga itong portrait, “ok lang ako. Pag may kalapati na yang picture ko, kabahan ka na.”

 

Comment pa nila sa post ni Ice:

“Medyo na-stress nga ako sa start ng post mo about Gary V… had to skip agad sa end to check na bday pala hahaha iba na ngayon eh πŸ˜„”

 

“grabe naman kasi idol lakas maka “kinuha ng liwanag” yung Pic moπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚”

 

“Omg Muntik na ako mag type na you will be missed and your music πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚”

 

“Sheeett tumalon ng slight ung puso ko .. naiinis nako sa mga ganitong kulay ng pictures ng mga artista tlgaπŸ˜‚”
“Putek! Akala ko dumating na panahon. Wag ganon! πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚”

 

“Omg idol ang takot ko naman, tinakot mo naman ako wala naman ganyan idol. Umaasa pa naman kami na magkakasama sama pa kayo uli ng bcwmh fam.❀️❀️❀️❀️❀️

 

“Hahahahahahhahahahahaha! Papunta na ako sa google para isearch ih! Hahahahah! Wag kang anuh!”

 

 

Inamin naman ng asawa ni Liza Dino Seguerra na may pinagdaraanan siya, dahil ilang taon na niyang nilalabanan ang matinding depression.

 

At sa naging reaksyon ng mga netizens, patunay lang ito na isa si Ice sa well-loved sa local entertainment industry.

 

***

 

SAMANTALA, may pampa-good vibes naman at pambawi na IG post si Ice Seguerra dahil naisahan na naman niya ang kanyang Nanay Teresita na si Sylvia Sanchez.

 

Kasama ng isang photo, na kung nakangisi siya, may caption ito na, “Hi Nay! Tinulugan mo na naman ako eh…tsk!”
Sagot naman ng aktres na nairirita na, “Punyeta!!! Naisahan mo na naman ako!!! Pinilit kong wag makatulog dahil alam kong wawalanghiyain mo na naman ako. Pero paanong hndi ako makatulog eh kanta ka ng kanta. May araw ka din!! Tandaan mo yan, magagantihan din kita @iceseguerra 😑😑😑”

 

Last week lang ay nakunan din ni Ice si Sylvia na natutulog at ipinost din ang parang mapang-asar na larawan nila.
Kaya nagbanta pa nga ang aktres ng, “nakaisa ka na naman talaga! May araw ka din. Maiisahan din kita hahaha bwisit ka nak 😳😳😳 hintay ka lang😳”

 

Comment uli ni Ice, “@sylviasanchez_a ganda naman ng shot ko eh. Captured yung essence mo rito.”
Kaya nga inaabangan ng netizens kung kailan naman makakaganti si Sylvia sa kanyang anak-anakan. Tuwang-tuwa sila sa kulitan nina Nanay Teresita at Kute, na patuloy na nanood ng rerun ng ‘Be Careful With My Heart’ sa Kapamilya channel.

 

Hinahanap tuloy nila kung nasaan si Maya (Jodi Sta. Maria) dahil may kulang, sana raw ay magpakita ito at maka-bonding nila sa kulitan at isama na rin si Cho (JM Ibanez, na binatang-binata na ngayon).

 

Samantala, nag-i-invite din si Ice sa upcoming concert nila sa Japan…

 

“Sabay sabay natin kantahin ang mga kantang nagpa-iyak at nagpa-ibig sa ating ❀️

 

“Ice Seguerra LIVE @ Matsudo Civic Hall Matsudo Chiba Japan | SEPTEMBER 11 | SUNDAY. SOULFULLY YOURS ”A Heartwarming Live Acoustic Concert”

 

“GET YOUR TICKETS NOW!!! πŸ“ž 080-5644-8850.”

Makakasama ni Ice sina Nyoy Volante, Joey Generoso at may special appearance si Jason Fernandez.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Komite sa adverse effect ng umaarangkada ng pagbabakuna, nakahanda na

    PREPARADO na ang deployment plan ng National Adverse Event Committee na siyang tatanggap ng mga ulat na may kinalaman sa adverse effect na mararanasan ng isang nakatanggap na ng bakuna.   Sinabi ni Dr. Lulu Bravo, Executive director of Philippine Foundation for Vaccination nakahanda na ang komite sa pagtanggap at pagkuha ng impormasyon hinggil sa […]

  • Bading na-depressed sa utang, nagbigti

    NASAWI ang isang 23-anyos na bading na dumanas umano ng depresyon matapos magbigti dahil sa hindi nabayarang utang sa Malabon City, kahapon (Huwebes) ng madaling araw.   Kinilala ang biktima na si Mark Lester Jhon Dela Cruz, salesman, na nadiskubreng walang buhay ng kanyang tiyahin na si Ailane Bacalso habang nakabigti gamit ang kumot na […]

  • PBBM, tikom ang bibig sa naging meeting kay dating Pangulong Duterte

    TUMANGGI si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na idetalye ang naging pakikipagulong nito kay dating PangulongΒ  Rodrigo Roa Duterte.     Matatandaang, nagpunta ng Palasyo ng Malakanyang noong nakaraang linggo si Duterte para makapulong si Pangulong Marcos at pag-usapan ng mga ito ang naging meeting ng una kayΒ  Chinese President Xi Jinping in China.”     […]