• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bading na-depressed sa utang, nagbigti

NASAWI ang isang 23-anyos na bading na dumanas umano ng depresyon matapos magbigti dahil sa hindi nabayarang utang sa Malabon City, kahapon (Huwebes) ng madaling araw.

 

Kinilala ang biktima na si Mark Lester Jhon Dela Cruz, salesman, na nadiskubreng walang buhay ng kanyang tiyahin na si Ailane Bacalso habang nakabigti gamit ang kumot na nakapulupot sa kanyang leeg samantala ang dulo ay nakatali sa kisame bandang ala-1:30 ng madaling araw sa loob ng kanilang bahay sa 18 Kaunlaran St., Brgy. Muzon.
Ayon kay Malabon police homicide investigator P/MSgt. Julius Mabasa, bago ang insidente ay tinawagan ng biktima ang kanyang nakatatandang kapatid na babae at sinabing nahihiya siya at napahiya sa mga tao na humahabol sa kanya dahil sa hindi niya nabayarang utang.

 

Gayunman, natagpuan ng tiyahin ng biktima ang listahan ng utang ng kanyang pamangkin at napag-alaman na mayroon lamang siyang utang na P1,000.00.

 

May hinala rin si Bacalso na ang kanyang pamangkin ay nakipag-break umano sa kanyang kasintahan na naging sanhi ng kanyang pagkalungkot. (Richard Mesa)

Other News
  • Baldwin tiwala sa Gilas squad

    Masaya si Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin sa ipinamalas ng kanyang bataan sa tuneup game nito laban sa China sa kabila ng 79-all pagtatapos ng laban.     Nagawang makuha ng Gilas squad ang 78-71 kalamangan sa huling isang minuto ng laro.     Subalit nagpasabog ang China ng matinding opensa sa mga sumunod […]

  • Pinoy karateka James de los Santos nasa unang puwesto na

    NAKAMIT na ni Filipino karateka James de los Santos ang unang puwesto sa men’s online kata world rankings.   Ito ay matapos na magwagi sa mga ginanap na virtual tournament.   Base sa E-Kata Male Individual Seniors, mayroong kabuuang 8,950 na puntos si delos Santos.   Nahigitan nito si Eduardo Garcia ng Portugal.   Sinabi […]

  • Mga nasirang simbahan ng bagyong Odette, ipapagawa ng Caritas Manila

    TULUYAN  nang maipapagawa ang mga simbahan at chapels na winasak ng bagyong Odette sa 10-diyosesis ng Simbahang Katolika sa Visayas at Mindanao.     Ito’y sa tulong ng matagumpay na PADAYON ONLINE CONCERT ng Caritas Manila na pinangunahan ng Viva artists noong March 25,2022 kung ang malilikom na pondo ay ipapagawa sa mga nasirang simbahan. […]