ALJUR, sinisisi ng netizens kung bakit sila nagkahiwalay ni KYLIE; ROBIN, ni-reveal na may third party
- Published on July 10, 2021
- by @peoplesbalita
MARAMI kaming nababasa na galit kay Aljur Abrenica at sinisi ang huli sa paghihiwalay nila ng misis na si Kylie Padilla.
Kadalasan ng comment, “ang ganda na ni Kylie, nambabae pa.” “Maganda na nga ang misis, ipinagpalit pa rin.”
Nandiyang tinawag din si Aljur na mayabang at iba pa.
Hindi nagsalita sina Kylie at Aljur, pero ang ama ni Kylie na si Robin Padilla nga ang nag-reveal na third party ang dahilan. Hindi raw ito kayang tanggapin ni Kylie, pero sa pananaw ni Robin, gaya kasi ng pinagdaanan niya, for him e, tipong normal na sa lalaking mambabae, huh!
Sa statement ni Kylie, tipong sa ngayon they want to practice good co-parenting sa dalawang anak at tipong inaayos pa rin.
Kung pagbabasehan namin ang mga away-bati, hiwalayan at balikan nila noong mag-boyfriend at girlfriend pa, ‘di-malayong magkabalikan pa rin sila lalo na’t kasal na ngayon.
***
AWARE si David Licauco na ngayong pandemic, nasabay pa ang pagsa-shutdown ng kabilang network, ang ABS-CBN, kapansin-pansin na may mga Kapuso artists na hindi na muna nare-renew ang kontrata. At may mga galing sa kabila na pumapasok sa GMA-7.
Pero isa siya sa mapalad na muling ni-renew ng GMA Artist Center.
Kaya sey niya, “’Yung pagiging artista kasi, this is a dream of mine way back. So just giving the opportunity at nag-renew ako ulit this year and ‘yun nga, knowing na marami silang hindi na kinuha, sobrang happy lang.
“Dahil do’n, gusto kong bigyan ng sukli ‘yung trust na binigay nila sa akin. So sa mga next project ko, mas gagalingan ko pa. I’m just really thankful talaga.”
Ang huling show ni David ay ang Heartful Café katambal si Julie Anne San Jose. Hindi pa raw niya alam sa ngayon kung ano ang mga susunod niyan gagawin.
Pero bongga rin naman si David. Hindi lang talaga showbiz ang source of income niya. Bukod sa tinayong gym na inamin nitong naapektuhan din ng pandemic, may iba pa pala siyang mga business.
Mula sa pagiging happy-go-lucky noong High School, hindi rin daw niya akalain na….
“Ako ‘yung tipong hindi nag-aaral, hindi pumapasok. Palaging tulog. So wala lang, nakakatawa lang na parang ngayon, parang palagi akong nag-iisip.
“Hindi ko lang inexpect na magiging ganito ko actually, specially ‘yung pag-arte. Kasi, growing-up, mukha akong wasted, mukha akong madumi. Maduming tao, basically.”
Pero ngayon, masaya raw siya na he’s doing good both in his acting career and business.
***
ANG daming masaya para sa actress na si Bela Padilla.
Halatang nag-e-enjoy lang siya sa buhay niya ngayon at masaya kasama ang boyfriend.
Hindi nga naging hadlang ang pandemic para kay Bela na last year lang, lumipad din para magkita sila ng boyfriend ng Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay. Then, nag-Turkey pa sila noong summer at ngayon nga, finally reunited for seems like, indefinite time sa mismong country ni Norman, sa Switzerland.
Ang unang post ni Bela aside sa mga pa-Instagram stories niya ay ang pagpapa-thank you niya for reaching 7 million followers in Instagram.
At sa caption niya, sa panahon na isang taon at kalahati na halos since nagkaroon ng pandemic at halos mas sa bahay pa rin ang mga tao, particular na ang Pinoy, given na talagang marami ang maiinggit sa mga post niya.
Ang hilig pa naman mag-post ni Bela na nagda-drive at para silang free as a bird ng boyfriend.
Sa caption niya, sey ni Bela, “Today, I woke up in a house facing vineyards and hiked without meaning to, to get to this natural pool. I go full circle on this post with 7 million followers with no filters and edits, no balloons and fanfare. Just natural, beautiful love for all of you.”
(ROSE GARCIA)
-
NBA MVP Nikola Jokic sinuspinde ng NBA; Morris at Butler ng Miami minultahan
Sinuspinde ng NBA ng isang game ang Denver Nuggets star at reigning MVP na si Nikola Jokic dahil sa sinasadyang pagtulak sa Miami Heat forward na si Markieff Morris nitong nakalipas na Martes. Dahil dito ang tinaguriang franchise center ay hindi makakalaro sa Huwebes kontra Indiana Pacers at wala ring sweldo sa isang […]
-
May Pinoy na sa 11th World Cup sa Belarus sa Agosto 1
TUTUKLASIN ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang magiging pambato para sa $1,892,500 (P94M) 11th International Chess Federation (FIDE) World Cup 2021 sa Minsk, Belarus sa Agosto 1-28. Kaugnay ito sa nakatakdang pagsasagawa ng pederasyon ng National Chess Championship sa mga papasok na buwan o bagong mag-deadline sa pagsusumite ng pangalan sa […]
-
Fernando, lumagda sa kasunduan para sa anti-illegal recruitment at human trafficking
Lumagda si Gob. Daniel R. Fernando sa isang kasunduan para sa Anti-Illegal Recruitment Trafficking in Persons (AIRTIP) kasama ang Department of Labor and Employment, Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority, League of Municipalities, at OFW Family Circle Federation of Bulacan na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium […]