• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

All-Filipino lineup handang iparada ng Gilas

Handa ang Gilas Pilipinas na isabak ang all-Filipino lineup nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers sakaling hindi umabot ang naturalization ni Ivorian Angelo Kouame.

 

Ilang araw na lamang ang nalalabi bago tumulak patungong Manama, Bahrain ang Gilas Pilipinas.

 

Subalit nananatiling opti­­mistiko ang Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makukuha ni Kouame ang naturalization papers nito bago ang qualifiers.

 

Alam ni SBP Special Assistant to the President Ryan Gregorio na hindi madali ang pagproseso ng naturalization.

 

At kung hindi papalarin, inihahanda na ng SBP ang isang solidong all-Pinoy lineup na haharap kontra Thailand at South Korea.

 

“That is really the plan. Some of the things are beyond our control. If there is a magic we can do for Kouame to be available come November 27 by all means we’re gonna take it,” ani Gregorio sa 2OT na iprinisinta ng Smart.

 

Kasama si Kouame sa 16-man Gilas Pilipinas pool na isinumite ng SBP sa FIBA.

 

Kung hindi man ito ma­kaabot sa qualifiers sa Bahrain, nais itong ihanda ng SBP sa mga susunod na window ng FIBA tournament gayundin sa prestihiyosong FIBA World Cup na itataguyod ng Pilipinas sa 2023.

 

Dumating na rin sa Calamba si Kobe Paras ng University of the Philippines matapos makumpleto ang kanyang dental procedure.

 

Kasama nina Paras at Kouame sina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, Jaydee Tungcab, Dwight Ramos, Justine Baltazar, Dave Ildefonso, William Navarro, Calvin Oftana, Kemark Carino, Juan Gomez de Liaño, Javi Gomez de Liaño, Mike Nieto at Matt Nieto.

Other News
  • Kalayaan College sa QC nagsara na rin dahil sa kalugian dala ng pandemya

    NAG-ANUNSIYO kahapon ang Kalayaan College na nasa Quezon City upang ipaalam ang tuluyan na rin nilang pagsasara.     Sa abiso ng naturang kolehiyo ipinaabot nila ang kadahilanan ng pagtigil na ng operasyon ay bunsod ng patuloy umanong kalugian na pinatindi pa ng pandemya.     Ang naturang kolehiyo ay una na ring itinatag noong […]

  • Wrestling legend ‘Razor Ramon’ pumanaw na, 63

    Pumanaw na ang wrestling star Scott Hall o kilala bilang si Razor Ramon sa edad 63.     Kinumpirma ito ng World Wrestling Entertainment (WWE) matapos ang pagkaka-ospital nito ng ilang araw.     Nagdesisyon na rin ang pamilya nito na tanggalin ang kaniyang life support matapos ang pagkaka-ospital ng tatlong beses na itong inatake […]

  • Sec. Roque, naka-isolation

    SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na siya ay naka- isolation makaraang ang isa sa miyembro ng kanyang staff ay nagpositibo sa Covid-19.    Negatibo naman si Sec. Roque nang sumailalim sa pathogen test.   Sa kabila ng naka-isolation ay sasama naman si Sec. Roque sa Inter-Agency Task Force against COVID-19 meeting mamya sa pamamagitan ng […]