• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘All Out Sundays’ nina Alden, waging-wagi pa rin sa ratings kahit nagsama-sama ang Kapamilya stars sa ‘ASAP’

WAGI pa rin ang Sunday noontime show ng GMA-7 na All Out Sundays base sa resulta ng ratings na lang noong nakaraang Linggo.

 

 

Nagsama-sama na rin ang mga sikat na Kapamilya sa nakaraang airing ng ASAP Natin ‘To kunsaan, unang beses din itong napanood sa TV5 na. Bukod pa rito, napapanood pa rin sa A2Z channel at mga online and cable channels. Pero siguro, iba talaga kasi kung sa ABS-CBN talaga ito napapanood.

 

 

 

Ang All Out Sundays naman nina Alden Richards ay patuloy na namamayagpag on its time-slot. Pansin din namin, mas interesting din ang mga bagong segment.

 

 

 

Sa AOS naman, mukhang pwede nilang gamitin na ang tagline ng The Clash ngayon na “Isa para sa lahat” sa nangyari.

 

 

***

 

 

BININYAGAN na ang anak ng actress na si Ryza Cenon at ng partner njya na si Miguel Cruz na si Night.

 

 

Sa Christ The King Parish ginanap ang ceremony at sa Lola’s Cafe ang reception.

 

 

Ilan sa mga kaibigang artista na napili ni Ryza para maging ninang ng anak ay ang mga old time friends na rin niyang talaga na sina Chynna Ortaleza, LJ Reyes at Chariz Solomon. Si LJ ay nakarating ng church habang ang mga hindi, sa zoom app nag-join. Talagang ang pinili raw nila, yung alam nila na ano man ang mangyayari, titingnan ang baby nila bilang mga pangalawang magulang.

 

 

Magti-three months old pa lang si Baby Night pero kitang-kita na ang kaguwapuhan nito. Na ayon kay Ryza, pinaglihian daw niya ang South Korean actor na si Gong Yoo dahil 3 beses daw niyang pinanood ang Goblin.

 

 

Sa isang banda, naging sobrang ingat naman sina Ryza at Miguel sa safety protocols. Mula church hanggang reception ay meron itong free antigen swab testing sa lahat ng bisita nila at maging crew sa restaurant. (ROSE GARCIA)

Other News
  • Tapos na ang suspensyon ngunit hindi maglalaro si Kyrie Irving para sa Nets vs Lakers

    Hindi maglalaro si Brooklyn guard Kyrie Irving sa Linggo (Lunes, oras sa Maynila) laban sa Los Angeles Lakers, ang unang laro na karapat-dapat niyang ibalik matapos siyang masuspinde ng Nets dahil sa pagtanggi niyang sabihing wala siyang antisemitic na paniniwala.   Sinabi ni Coach Jacque Vaughn noong Sabado (Linggo, oras sa manila) na hindi maglalaro […]

  • Bolick, Fernandez mayroong iringan

    HINDI naging maayos ang samahan nina Evan Nelle at San Beda University men’s basketball coach Teodorico ‘Boyet’ Fernandez III   Taliwas ito kay ex-Red Lion at ngayo’y Philippine Basketball Association (PBA)  star Robert Lee Bolick Jr. at sa Beda bench tactician din.   Siniwalat nang kasalukuyang naglalaro na sa Terrafirma Dyip, na naging mabuti ang […]

  • ‘Sa amin na ang momentum sa Game 3’ – Lakers

    Lalo raw lumakas ngayon ang loob ng Los Angeles Lakers sa kanilang kampanya sa first round ng NBA playoffs matapos na maitabla na ang serye laban sa Phoenix Suns sa iskor na 109-102.     Ayon kay NBA superstar LeBron James, tiyak na mababaliktad na umano ang momentum lalo na sa susunod na Game 3 […]