Mikey Garcia, napupusuan ni Pacquiao bilang susunod na katunggali – Roach
- Published on September 3, 2020
- by @peoplesbalita
Ibinunyag ni Hall of Fame trainer Freddie Roach na napipisil umano ni Sen. Manny Pacquiao na makatunggali sa susunod nitong laban ang dating world champion na si Mikey Garcia.
Ayon kay Roach, may posibilidad din daw na mangyari ang nasabing laban sa Estados Unidos o sa Saudi Arabia.
“He will fight again, I feel, and from when I’ve talked to him, he wants to fight once or twice more,” wika ni Roach. “But the thing is, it could be anywhere from the U.S. to Saudi Arabia, anywhere. They were talking about Mikey Garcia and I said, ‘Yeah, that’s the perfect fight for Manny.’ But I don’t think we’ll really know until this [pandemic] is over.”
Una nang sinabi ni Roach na wala pa raw itinatakdang timeline ang kampo ng Fighting Senator sa kung kailan ito makakabalik sa ibabaw ng ring.
Masyado aniyang focus si Pacquiao sa kanyang trabaho bilang senador lalo pa’t humaharap din ang Pilipinas sa COVID-19 crisis.
Samantala, bagama’t pabor si Roach sa harapang Pacquiao-Garcia, malaki rin daw ang tsansa na harapin din ng Pinoy ring icon ang mga top welterweights gaya nina Shawn Porter at WBO welterweight champion Terence Crawford.
-
EDSA Busway at MRT 3 patuloy ang maayos na operasyon
Sa kabila ng naiulat na pagbigat ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA simula ng mga nakaraang Linggo, nananatili pa ring maayos ang operasyon ng EDSA Busway at MRT-3. Simula nang pansamantalang itigil ang Libreng Sakay sa ilalim ng Service Contracting Program, tinatayang nasa mahigit 100,000 pa rin ang naitatalang average ridership ng […]
-
70 patay sa airstrike ng Saudi sa detention center sa Yemen
AABOT sa 70 katao ang nasawi at mahigit 130 ang nasugatan matapos na tamaan ng airstrike ang detention center sa Yemen. Ayon sa Doctors Without Borders na kagagawan ng Saudi-led coalition ang airstrike bilang opensiba laban sa mga rebelde sa Yemen. Tumama rin ang isang airstrike sa telecommunication building sa Hodeidah […]
-
Lim, iba pang karatekas gagawin lahat para makapasok sa Tokyo Olympics
Para kay national karateka Jamie Lim, ito na ang pinakahuling tsansa niyang makapaglaro sa 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan. Kaya naman lahat ay kanyang gagawin para manalo sa lalahukang Olympic qualifying tournament sa Hunyo sa Paris. “Everyone wants to be part of the Olympics, and this is really the last […]