• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Almost three months nang official: DERRICK, umamin na totoo na ang relasyon nila ni ELLE

MALUNGKOT ang last taping day ng “Voltes V: Legacy” at hindi napigilan na maiyak ang main cast na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Matt Lozano, Radson Flores at si Little Jon Raphael Landicho.

 

Hindi mo naman maalis na hindi ganoon ang maging feelings nila dahil for almost 3 years magkakasama sila sa taping araw at gabi, kaya parang naging tunay na silang magkakapatid na nagtutulungan sa tapings at promos ng show.

 

Malapit na ang finale nila this September, 2023. Napapanood ang “Voltes V: Legacy”, 8 p.m. Mondays to Fridays, after “24 Oras.”

 

***

 

UMAMIN na si Kapuso actor Derrick Monasterio na totoo na ang relasyon nila ni Kapuso actress Elle Villanueva.
Dati kasi pag tinanong sila ang sagot nila “walang label.” Ngayon inamin na nila na almost three months nang official ang kanilang relasyon.

 

“Pero almost two years na kami sa kung ano ang treatment namin sa isa’t isa na walang label, kahit matagal na kaming magkakilala at magkasama sa first teleserye namin, ang “Return to Paradise” in 2022,” dagdag pa ni Derrick.
Sa isang interview, tinanong si Derrick kung ano ang nabago ngayong officially sila na ni Elle?

 

“Wala naman, kung ano lang ang ginagawa ko before sa kanya, walang pagbabago, may label man o wala. Kung ano ang treatment ko sa kanya, yun yung plans ko for us.” Ayon kay Derrick, ang future plans nila ni Elle, “pinaplano naming bumili ng properties, like kung tumanda-tanda na kami, sa Siargao kami titira, bibili kami ng property doon, kasi gusto namin doon. Iba ang glow namin kapag nandun kami. Simpleng pamumuhay na malapit sa dagat.” Matatandaang nang gawin nila ang “Return to Paradise” ay matagal silang nag-location shoot sa isang beach sa Batangas. Sa ngayon, si Elle ay napapanood sa “Voltes V: Legacy” at si Derrick, every Sunday sa noontime show na “All-Out Sundays” sa GMA-7

 

***

 

MAGANDA ang nabuo na pwedeng mag-collaborate ang mga artista ng iba’t ibang network na siya nga tumapos sa network war tulad ng sabi ni GMA CEO Atty. Felipe Gozon.

 

Nauna nga ang collaboration ng GMA Network at ABS-CBN, nang gawin nila ang “Unbreak My Heart” na pinagsama sina Kapuso Richard Yap at Gabbi Garcia kina Kapamilya stars Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria.

 

Sumunod dito ang paglipat ng “It’s Showtime,” from Kapamilya Network to GTV 24 ng GMA Network na allowed mag-guest ng mga Kapuso Sparkle Artists. Ngayon ay excited ang mga fans sa possibility na magkaroon ng collaboration sina Michael V at Vice Ganda na mag- guest sila sa kani-kanilang programa. May nag-suggest din na sana mag-collaborate ng isang movie for the coming Metro Manila Film Festival. The other day, sa birthday ni Ogie Alcasid, nag-guest sina Michael V at Manilyn Reynes. Nag-share silang tatlo ng memories nilang tatlo noon. Ogie and Michael V treated the madlang pipol ng short performance nila ng kanilang “Yaya and Angelina” characters na naging famous noon sa “Bubble Gang.”

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • LRT Line 1 Cavite Extension higit sa 50 percent ng kumpleto

    Ipinahayag ng Department of Transportation (DOTr) na ang first phase ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) Cavite extension ay higit ng 50 percent na kumpleto.   “The LRT 1 Cavite Extension is now more than halfway to completion of the partial operability section until Sucat station, as we report an overall progress rate of […]

  • PROGRAMA KONTRA POLIO, IPAGPAPATULOY

    IPAGPAPATULOY  ng Department of Health (DOH) sa tulong ng World Health Organization o WHO at United Nationsd Childrens Fund  (UNICEF) ang programa kontra polio upang labanan ang poliovirus outbreak  sa Pilipinas. Isasagawa sa Mindanao ang susunod na yugto ng programa ng DOH ang  “Sabayang Patak Kontra Polio” campaign na magsisimula sa  ngayong July 20 hanggang […]

  • “Fast X” Will speed Its Way in Philippine Cinemas on May 17

    “Fast X”, the tenth film in the Fast & Furious Saga’s two-part conclusion, launches the final chapters of one of cinema’s most storied and popular global franchises, now in its third decade and still going strong with the same core cast and characters as when it began.     Over many missions and against impossible […]