• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alyssa Valdez matindi ang determinasyong makabalik sa paglalaro

Matindi ang pagnanais ni Alyssa Valdez na makabalik sa wastong porma sa lalong madaling panahon para makasabak sa 6th Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa February at sa Cambodia 32nd Southeast Asian Games sa May.

 

Siniguro ng 29-anyos, 5’9’ ang taas na dalagang outside hitter ng Creamline sa kanyang mga tagahanga na ginagawa niya ang mahusay na therapy at pag-aalaga sa sarili para agad gumaling makaraang magka-right knee injury noong December sa Cool Smashers-Chery Tiggo game.

 

“I am not wasting time to be able to recover but we are making sure na it will not go to waste,” giit ni ‘Phenom’ sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Martes sa Philippine Sports Commission (PSC) conference room ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

 

Hinirit ni Valdez sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, PSC, Philippine Olympic Committee (POC), at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na kasama sa kanyang motibasyon at inspirasyon habang nagpapagaling ang makatawan uli ang bansa sa 11-nation, biennial sportefst.

 

“Yes po, isa po iyun sa aking matinding inspirasyon sa ginagawa ko po na paunti-unting pagpapagaling kasi po gusto ko po talaga na mairepresenta ang Pilipinas lalo na sa SEA Games. Malapit na po iyun kaya po sinisiguro namin ang pinakatamang direksyon na makabalik po ako sa paglalaro,” panapos na sey ng Batangueña mula sa San Juan at produkto ng Ateneo Blue Eagles. (CARD)

Other News
  • Malaking challenge pero maayos namang naitawid: PIOLO, muntik nang ‘di tanggapin ang ‘Mallari’ dahil sa tatlong characters

    AMINADO Piolo Pascual na bida ng ‘Mallari’, ang kauna-unahang Filipino film na idi-distribute ng Warner Bros. Pictures, na malaking challenge talaga sa kanya ang gumanap ng tatlong characters na sina Severino, John Rey at Jonathan sa tatlong magkakaibang panahon.     Isa nga ito sa natanong sa ultimate heartthrob sa ginanap na biggest mediacon at […]

  • Canelo Alvarez at Caleb Plant promo tour, nauwi sa suntukan

    Muntik mauwi sa todong labu labo ng suntukan ang dalawang mahigpit na magkaribal na sina super middleweight champion Canelo Alvarez at Caleb Plant habang nagsasagawa ng promotional tour ng kanilang laban sa Beverly Hills, California.     Una rito nag-face off ang dalawa at nagkadikitan ang mukha habang nagpapalitan ng maanghang na salita at nagpormahan. […]

  • Emosyonal nang mapanood ang last episode sa #MPK… ALDEN, nanawagan at handang tumulong sa Cantillana Family

    NAGING emosyonal si Asia’s MultiMedia Star Alden Richards, after niyang mapanood ang last episode ng kanyang “Alden August” ng Magpakailanman last Saturday, August 26 sa GMA Network.       Titled “Sa Puso’t Isipan: The Cantillana Family Story,” tungkol ito sa pamilya na may mental disorders ang kanilang mga parents, hanggang sa nagkaroon na rin nito […]