AMA, GINAWANG PARAUSAN ANG ANAK, KULONG
- Published on December 7, 2021
- by @peoplesbalita
KULONG ang isang padre de pamilya nang nabuking na ginagawang parausan ang kanyang 11 taon gulang na anak sa Sta.Ana, Maynila.
Kasong Qualified Rape sa ilalim ng Article 266-A par 1 ng Revised Penal Code ng Republic Act 8353 at Sexual Assault na inamiyendahan sa Article 8353 na may ugnayan s Section 5 ng Republic Act 7610 ang kakaharapin ng suspek na si Jefferson ng Pedro Gil St., Sta.Ana, Manila.
Sa ulat ni P/ Lt.Col. Orlando Mirando Jr., Station Commander ng MPD- Station 6 , Martes ng gabi nang maaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Roy Gironella , Presiding Judge ng Regional Trial Court Br 43, ng Manila.
Batay sa rekord ng pulisya, may isang taon na umanong parausan ng suspek ang anak na babae na inamin naman ang ginawang kahalayan sa biktima nang hiwalayan siya ng kanyang asawa.
Aminado rin ang suspek na nalulong ito sa shabu.
Bagama’t hiwalay na ang nanay ng biktima sa suspek, nang malaman ang kahayupang ginawa sa anak ay agad itong humingi ng tulong sa tanggapan ni P/ Lt.Col.Mirando kaya ito ay naaresto. GENE ADSUARA
-
Ads January 9, 2024
-
TARGET ng Department of Education (DepEd) na tapusin ang pagrerebisa sa K to 12 curriculum sa Mayo ngayong taon.
”Ang target date po natin para matapos ‘yan is May 2024. After the review, bibigay sa atin, ipepresenta sa atin kung ano ‘yung mga napansin nila and then we will start with the revision process,” ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa sa Palace briefing. Enero ng nakaraang taon, sinabi ni Vice President at Education Secretary […]
-
CAAP patuloy na iniimbestigahan ang pag-overshot ng Korean Air sa runway ng Cebu-Mactan International Airport
PATULOY na inaalam ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang sanhi ng pag-overshot ng Korean Air Lines sa runway ng Mactan-Cebu International Airport nitong gabi ng Linggo. Agad na dinala sa iba’t-ibang hotel ang mga pasahero habang inaayos pansamantala ang malilipatan ng mga ito. Sa inisyal na imbestigasyon ang […]