• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TARGET ng Department of Education (DepEd) na tapusin ang pagrerebisa sa K to 12 curriculum sa Mayo ngayong taon.

”Ang target date po natin para matapos ‘yan is May 2024. After the review, bibigay sa atin, ipepresenta sa atin kung ano ‘yung mga napansin nila and then we will start with the revision process,” ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa sa Palace briefing.
Enero ng nakaraang taon, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na nakatakdang rebisahin o baguhin ng departamento ang K to 12 curriculum sa layuning makapag-produce ng mas maraming “job-ready at responsible graduates.”
Sa katunayan, isang task force ang nilikha para rito.
Kasama sa task force ang Secretariat na makapagbibigay ng administrative support para sa epektibong implementasyon ng SHS (Senior High School) Program Standards at Support Systems “by addressing logistical concerns and convening the members of the SHS NTF when needed.”
Kabilang sa responsibilidad ng task force ay rebisahin ang umiiral na polisiya ng programa “to ensure consistency, responsiveness, and relevance” para sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at stakeholders; at palakasin ang ugnayan sa pribadong sektor at iba’t ibang industriya sa national at regional levels para ” to improve SHS employability.”
Inaasahan din na ide-develop ang mga polisiya at plano base sa program implementation review results at sa inaasahang pangangailangan sa hinaharap.
Idagdag pa rito ang makipagtulungan sa mga makabuluhang tanggapan gaya ng state universities and colleges, at public at private schools, para i-develop ang isang SHS database na kinabibilangan ng “policies, program offerings, at private school data.” (Daris Jose)
Other News
  • Gobyerno, transparent sa human rights situation ng Pilipinas

    BUKAS ang gobyerno ng Pilipinas na pag-usapan ang situwasyon ng karapatang-pantao sa bansa.     At ito’y may sapat na kakayahan para tugunan ang mga paglabag.     Ito ang sinabi ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Undersecretary Paul Gutierrez kasabay ng pagtatapos ng 10-day visit ng United Nations (UN) Special […]

  • DepEd, binigyang-diin ang pangangailangan na tutukan ang karunungang bumasa’t sumulat para sa K-3

    BINIGYANG DIIN ng Department of Education (DepEd) ang pangangailangan na i-develop ang literacy skills ng mga mag-aaral habang nasa kindergarten. Layon nito na tugunan ang naka-aalarmang sitwasyon ng ‘functional illiteracy’ sa hanay ng mga batang Filipino. Sinabi ni DepEd Assistant Secretary for Curriculum and Teaching Jerome Buenviaje na ito’y bilang tugon sa resulta ng 2024 functional […]

  • Tuloy ang laban sa sakit at ‘di susuko: KRIS, nagawa pang ireto ang kaibigan doktor kay CARLA

    MULI ngang nagbigay ng health update ang TV host-actress na si Kris Aquino pamamagitan ng kanyang official Instagram account.     Meron na namang nakita na bagong autoimmune disease sa kanyang katawan.     Inamin ni Kris, na humina ang kanyang katawan at nabawasan din ang timbang, kasabay pa nawala ang gana niya sa pagkain. […]