Ama, kinasuhan ng Human Trafficking ng NBI
- Published on September 21, 2024
- by @peoplesbalita
SINAMPAHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong human trafficking ang isang ama matapos itong arestuhin sa aktong pagbebenta ng kanyang 11-buwang sanggol sa halagang P55,000.
Kinasuhan sa Quezon City Prosecutor’s Office si Kenneth Crisologo na naaresto noong Setyembre 3 sa isinagawang entrapment operation ng mga ahente ng Special Task Force (NBI-STF) ng NBI.
Sinabi ng NBI na nag-ugat ang kaso mula sa impormasyong natanggap ng NBI-STF na si Crisologo ay sangkot sa pagbebenta ng sariling anak sa online.
Dahil dito, ipinag-utos ni NBI Director Jaime B. Santiago sa operatiba ng NBI-STF na magsagawa ng entrapment operation sa Barangay Pag-asa, Quezon City na nagresulta sa pagkakadakip kay Crisologo.
Matapos maaresto, ang bata ay dinala naman sa Social Services Development Department ng Quezon City. GENE ADSUARA
-
Paglalagay ng DA ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas, suportado ni Speaker Martin Romualdez
SUPORTADO ni Speaker Martin Romualdez ang paglalagay ng Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas upang maprotektahan ang mga konsyumer laban sa mga abusadong negosyante na nagmamanipula sa presyo ng mga bilihin. Una nang inihayag ng DA na sa loob ng linggong ito ipatutupad ang SRP na P150 per […]
-
After ng bakasyon sa Amerika: ANDREA, nakabalik at naka-quarantine na tama lang sa araw ng Pasko
NAKABALIK na pala sa Pilipinas ang Kapuso actress na si Andrea Torres mula sa isang buwang bakasyon niya sa Amerika. Naka-quarantine pa ngayon si Andrea pero nag-share na siya ng video sa kanyang social media account na na-miss niya ang Pilipinas at tama lang daw ang uwi niya para sa nalalapit na Pasko. […]
-
Pag-uusap at konsultasyon sa pribadong sektor, kailangan para sa importasyon ng bigas-DA
INAMIN ni Department of Agriculture (DA) Usec. Mercedita Sombilla na kailangan na magkaroon ng pag-uusap at konsultasyon sa pribadong sektor para sa gagawing importasyon ng bigas. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Sombilla na “I think the President will really have to do some consultations with the private sector so that, you […]