• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

American swimmer Anita Alvarez nawalan ng malay habang nasa kumpetisyon

NILIGTAS ng kanyang coach si American swimmer Anita Alvarez matapos na mawalan ng malay sa ilalim ng swimming pool habang ito ay nakikipagkumpetensiya sa FINA World Aquatic Championships s Budapest, Hungary.

 

 

Mabilis na tumalon sa pool si Coach Andrea Fuentes para iligtas ang 25-anyos na si artistic swimmer ng ito ay lumubog sa ilalim ng pool.

 

 

Dinala ni Fuentes na four-time Olympic medalist sa synchronized swimming si Alvarez sa ibabaw ng pool at bago inilipat sa strecher.

 

 

Ito na ang pangalawang beses na nailigtas ni Fuentes si Alvarez matapos na mawalan ng malay ang una ay noong nakaraang taon sa ginanap na Olympic qualifications.

 

 

Kuwento ni Fuentes ng matapos ang routine ng swimmer ay nakita nito na may tila mali dahil imbes na lumutang ito ay papalubog kaya tumawag siya ng lifeguard.

 

 

Dahil sa mabagal na responde ng lifeguard ay nagdesisyon na ito na tumalon at iligtas si Alvarez.

 

 

Bibigyan pa ng pagkakataon ng FINA si Alvarez na ulitin ang paglahok nito kapag natapos na ito sa kanyang pagpapahinga.

Other News
  • Eleksiyon 2022, mapayapa sa pangkalahatan

    NAGING mapayapa sa pangkalahatan ang pagdaraos ng 2022 national and local elections (NLE) sa bansa.     Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ‘gene­rally peaceful’ ang kanilang assessment sa May poll situation, sa simula pa lang ng election period noong Enero 9 hanggang aktuwal na araw ng halalan […]

  • 2 million target COVID test, kayang maabot hanggang sa susunod na buwan

    KUMPIYANSA ang gobyerno na aabot sa dalawang milyon ang kabuuang datos na sumailalim na sa PCR test sa susunod na buwan. Ayon kay Testing Czar Secretary Vince Dizon, ito’y dahil na rin sa mas marami ng test laboratories na mayroon sa buong bansa na ngayon ay nasa 94 na. “As of July 26”, sinabi ni […]

  • OFW remittances, tumaas ng 3% – Bangko Sentral ng Pilipinas

    TUMAAS ng 3 porsyento ang mga personal remittances mula sa mga Overseas Filipino Worker hanggang $2.9 billion para sa buwan ng Marso mula sa $2.8 bilyon sa parehong buwan noong 2022.     Naobserbahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagtaas ng mga inbound money transfer mula sa parehong land-based at sea-based OFWs.     […]