• September 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 million target COVID test, kayang maabot hanggang sa susunod na buwan

KUMPIYANSA ang gobyerno na aabot sa dalawang milyon ang kabuuang datos na sumailalim na sa PCR test sa susunod na buwan.

Ayon kay Testing Czar Secretary Vince Dizon, ito’y dahil na rin sa mas marami ng test laboratories na mayroon sa buong bansa na ngayon ay nasa 94 na.

“As of July 26”, sinabi ni Dizon na nasa 1.4 milyong test na ang nasa kanilang talaan na sumalang sa COVID 19 test.

Puntirya ng gobyerno na makapagsagawa ng 10 milyong test hanggang 2021 sa harap ng pagsisikap ng gobyernong matukoy, ma- trace at magamot ang mga tinamaan ng coronavirus disease.

Nauna rito, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na ang 10 percent lamang ng population ng bansa ang kakayaning maisalang sa test na kaya aniyang maisakatuparan hanggang sa susunod na taon. (Daris Jose)

Other News
  • Taripa sa electric vehicles, parts, babawasan

    APRUBADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tapyasan  ang taripa sa electric vehicles (EVs) para mapasigla ang demand sa gitna ng mataas na presyo ng langis.     Ito ang naging desisyon ng National Economic Development Authority (Neda) board,  kung saan si Pangulong Marcos ang tumatayong chairman.     Sinabi ni Economic Planning Secretary […]

  • Gilas Pilipinas guest team sa 46th PBA 201 PH Cup

    PUWEDENG maging guest team na maaringng manalo ng championship ang Gilas Pilipinas sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup umpisa sa darating na Abril 9.     Ito ang siniwalat ni Commissioner Willie Marcial makalipas ang special PBA Board of Governors meeting nitong Lunes.     Ayon sa kanya, magiging magiging bahagi ng […]

  • Mga NBA players na COVID-19 positive, umaasang makakalaro pa rin sa season restart

    Kampante ang mga karagdagang NBA players na dinapuan kamakailan ng coronavirus na makakapaglaro sila sa oras na magpatuloy nang muli ang 2019-20 season sa susunod na buwan.   Ayon kay Sacramento Kings forward Jabari Parker, maganda raw ang usad ng kanyang recovery matapos sumailalim sa self-isolation sa Chicago.   “Several days ago I tested positive […]