Aminadong ‘di madali ang mag-pursue ng career sa Hollywood: Fil-Canadian na si ALEX, masuwerteng nakatrabaho si RYAN REYNOLDS
- Published on March 14, 2022
- by @peoplesbalita
MASUWERTE ang Filipino-Canadian actor na si Alex Mallari Jr. dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho ang aktor na si Ryan Reynolds sa Netflix sci-fi adventure film na The Adam Project.
Ginagampanan ni Mallari ang role ng kontrabidang si Christos at pinakita sa isang fight scene with Reynolds ang paggamit ng arnis sticks na isang native weapon ng mga Pinoy.
Kuwento ni Mallari, kinausap daw niya ang stunt coordinator ng pelikula na si Jim Churchman kung okey daw bang gumamit siya ng arnis sticks sa isang gagawing eksena.
“I was on the phone with Jim. I was like, ‘I’m Filipino. I want to give a little head tilt to my people, so can I use these arnis sticks?’ And then he goes, ‘Well, yeah, man, we’ll try to squeeze that in there.’ It starts as the two sticks. I was like, ‘Thank you. I just needed something that shows I’m Filipino.’
“So there’s that, and that was my input. And I was like, ‘You guys could do whatever else you want with me. And I will abide. I just have one request, and that was it.’ So I was happy that they allowed it.”
Four years old lang si Mallari nang mag-migrate ang kanyang pamilya to Canada mula sa Lubao, Pampanga. Kahit na lumaki siya sa ibang bansa, hindi raw niya nakalimutan ang kanyang pagiging isang Filipino.
Hindi raw madali ang mag-pursue ng career sa Hollywood para sa tulad niyang Pinoy, pero hindi raw siya tumigil na sumubok parati hanggan sa mapansin ang kanyang talento sa pag-arte.
“It was a point where I had to face world and say ‘Look, I can be here and keep trying, or I could find a different avenue.’ And so I went to University of Toronto for a year, and I heard an advertisement on the radio, you know, ‘if you want to be on in commercials, call this number.’ I called the number, and that was the beginning of that journey, and here I am.
“There are challenges in everything. But I think, as a Filipino earlier on in my career, I mean still now, I really go for open ethnicity roles. I think I’ve had maybe two or three Filipino auditions and lucky enough I was able to book them all. It’s finding the recognition that Filipinos exist in the world at all, and that we deserve to be on the big stage and on the big screen with everyone else.”
Sa Canada ay nakasama si Mallari sa SyFy TV series na Dark Matter from 2015 to 2017. Nasa season 2 naman siya ng Netflix series na Ginny & Georgia.
Nagpapasalamat si Mallari sa fellow Asian-Canadian at Marvel actor na si Simu Liu dahil nag-produce ito ng digital series na Hello (Again) at kinuha siya nitong romantic lead.
***
HINDI raw ang panlabas na hitsura ang tinitingnan ni Faith da Silva sa isang magiging future boyfriend niya.
Gusto raw niya sa lalake ay ang marunong makisama sa iba’t ibang klaseng tao at ‘yun smart at mature ang pag-iisip.
“Sa future someone siguro na mami-meet ko pero hindi pa natin alam kung kailan, I would want the person to be smart. Sana matured din di ba? Mahirap yung situation na parang ako pa yung mag-aayos or ako payong gagawa ng way na mag-workout yung everything sa relationship,” diin pa ng Kapuso actress-singer.
Importante rin daw na stable sa buhay ang lalakeng makakarelasyon niya.
“I’m not talking abput being financially stable. Stable within himself and kailangan alam niya na yung plano niya sa life,” paliwanag pa ni Faith.
Nauna nang ibinahagi ni Faith na handa niyang ibigay ang lahat kapag pumasok siya sa isang relasyon. Ayaw lang daw niyang maulit ang naging toxic relationship niya sa dati niyang nakarelasyon.
Sa mga nakaranasan ng ganitong relasyon, sinabi ni Faith na makaka-relate sila sa bago niyang single under GMA Playlist na “Sana Sabihin Na Lang.”
***
INSTAGRAM official na ang relationship nina Kim Kardashian at Pete Davidson.
Legally single na ang 41-year old reality star, kaya naman malaya na siyang ipagsigawan sa social media na karelasyon niya ang Saturday Night Live comedian.
Sa series of photos, suot ni Kim ay metallic jacket, thigh-high boots, and sunglasses habang nakahiga sa sahig si Pete. Nilagyan niya ito ng caption na: “Whose car are we gonna take?!”
Hindi raw lalabas si Pete sa reality show ni Kim na The Kardashians on Hulu. Pero pag-uusapan niya ang details kung paano sila nag-meet.
“I have not filmed with Pete. And I’m not opposed to it. It’s just not what he does. But if there was an event happening and he was there, he wouldn’t tell the cameras to get away. I think I might film something really exciting coming, but it wouldn’t be for this season,” sey ni Kim na nakilala si Pete noong October 2021 noong mag-host siya ng SNL.
Dating engaged si Pete sa singer na si Ariana Grande noong 2018 pero limang buwan lang inabot ang engagement nila.
Kamakailan ay inamin ni Kim na naimbiyerna siya sa ginawang music video ng ex-husband na si Kanye West na ‘Eazy’ dahil masyadong bayolente kahit na isang claymation ito. May isang character daw sa music video named Pete at nilibing itong buhay ni Kanye. Tinawag ito ni Kim na “abusive and threatening”.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Pinoy, binasag ang world record sa larangan ng jump rope
Nabasag ni Pinoy skipman Ryan Alonzo ang Guinness World Record sa pinakamaraming double under skip rope sa loob ng 12 oras kasabay ng isinagawang Jump to Greater Heights event. Nilampasan ng binansagang ‘skipman’ ang 20,000 Guinness mark of double skips kung saan nakapagtala ito ng 40,980 skips sa event mula umaga hanggang alas-sais […]
-
DepEd, ikakasa ang bagong wave ng PPP projects para sa 15K classrooms sa 2025
INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) ang plano nitong maglunsad ng bagong wave ng Public-Private Partnership (PPP) projects na ang layunin ay idisenyo, pondohan at magtayo ng 15,000 silid-aralan para sa 1,600 eskuwelahan sa iba’t ibang lugar sa 9 na rehiyon simula sa susunod na taon. Sinabi ng DepEd na ang inisyatibang […]
-
HIGIT 49M OFFICIAL BALLOT, NA-IMPRENTA NA
MAHIGIT 49 milyon o halos 74 porsiyento ng mahigit 67 milyong opisyal na balota ang naimprenta na sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes. Mula sa 13 rehiyon, nakapag-imprenta na ng 73.7 percent kasama ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Cordillera […]